ISHINTAROU's POV
Nang makaraan ng halos kalahating oras ay nagdesisyon na akong lumabas.
At hindi naman pwedeng hindi pa siya tapos ano!.
Paglabas ko, nakita ko siyang nakasandal sa upuan at deretsong nakatingin sa'kin.
May mga pagkain pa rin sa ibabaw ng mesa, pero mga bawas na.
Tamo tamo! Takaw tingin kasi, ngayon ano 'di niya na maubos?.
"Bakit ka nakatingin?" Pataray kong ani.
"Umupo kana, bakit ang tagal mo? Hinihintay kita," Huminto ang tibok ng puso ko pero hindi ko na pinansin pa 'yun.
"Malamang!" Gutom ako! Alangan panuorin kita diyan!.
"Anong malamang? Labo mo talaga kausap minsan,"
"Bakit ba hinihintay mo pa 'ko! Kumain ka na nga diyan." Inis na naupo na ako.
"Hindi ako sanay na walang kasama kapag kumakain," Aba, gusto niya pa atang may magutom habang pinapanuod siya?.
"Nandito na ako, kaya ituloy mo na 'yan," Inabala ko nalang ang sarili sa phone ko, mukhang pinaglalaruan nanaman ako ng demonyo dahil biglang nadrain ang cellphone ko.
Ngayon, ano nang gagawin ko ha?.
Humalukipkip nanaman muli ako at tinitigan siya, pero halos takasan ako ng hininga nang makitang hindi siya kumakain at nakatingin lang sa'kin.
"Umiyak ka ba?" Halata ba masyado? Alam ko bago ako lumabas chineck ko sarili ko, hindi naman namamaga mga mata ko, hindi rin naman ako namumula.
"Huh? Hindi ah.." Umiwas ako ng tingin.
"Weh?" Hindi na ako sumagot.
"Kumain ka na," Nagliwanag ang pakiramdam ko nang marinig ang sinabi niya.
"Akala ko ba sa'yo lang 'yan?" Narinig ko ang pagtawa nito.
"Oo nga pala.." ARGH! Nakakainis!.
MANAMI'S POV
Nakakatawa talaga siyang pag laruan minsan, akala niya hindi ko naririnig ang pagkalam ng tiyan niya habang pinapanuod akong kumain.
Ano bang meron sakaniya at pinipigilan niyang mag order? Nahihiya ba siya? Hindi bagay.
Bakit parang ang tagal naman ng waiter, kanina ko pa inorder 'yon ah.
Speaking of it, saka lang siya pumasok.
Napatingin ako kay Taru nang marinig ang pag singhal niya, iniisip na siguro neto kung anong tiyan ang meron ako at ganito karami ang inilapag ng waiter.
"Thank You," Usal ko at hinintay muna itong makalabas bago ibigay ang atensyon sa babaeng nasa harapan ko.
"Here i ordered you something, 'di ba favorite mo 'tong sisig, kainin mo, kumain ka na para may kasabay ako, hindi 'yung para kang pulubi diyan." Hindi ko na pinansin ang pangangamatis ng mukha niya dahil palagi naman siyang namumula kapag kausap ako.
Siguro dala ng inis? Tutal palagi naman siyang badtrip sa'kin eh.
Makaraan ng ilang minuto ay 'di ko namalayang naubos na niya ang tatlong cup ng kanin na nasa harapan namin, 'yung isa dapat sa akin 'yun, bahala na.
Pambihira, kung hindi ko pa tinignan ang plato niya, hindi ko pa malalaman na malapit na siyang matapos.
Bumabagal na rin ang pagkain niya kaya alam kong malapit na siyang mabusog.
"Is the food good?"
"Huh?" Hindi na ako umimik, nakalimutan kong kumakain nga pala siya.
"Ahh..oo," Punong puno pa kasi ang bibig nito, kaya parang hindi magandang tanungin ko siya habang kumakain.
Nang matapos na ako, at siya naman 'tong hinihintay kong matapos, saka ko lang tuluyang naappreciate ang suot niya ngayon.
Hindi ko alam kung sinadya niya bang suotin ang sipit na regalo ko sakaniya nuon nung christmas party, actually nainis pa siya sa'kin nung oras na 'yon kasi hindi naman daw siya mahilig sa pang babaeng mga gamit pero ayun pa ang napili kong ibigay.
Halatang nahirapan siyang suotin dahil mali pa ang pagkakaipit nito sa buhok niya.
Nagkatinginan kami pero siya rin ang naunang nag iwas ng tingin.
Parang pinisil ang puso ko sa nangyari, hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya malubayan ng tingin, may iba ngayon sa aura niya na hindi nakakasawang pagmasdan.
"Suot mo pala 'yung bigay ko sa'yo..." Hindi ko pa tuluyang nabubuo ang salita ko ay mabilis na agad niyang hinablot ang nasa buhok niya at hinila 'yon paalis.
Ayan. May maliit na galit na namuo sa puso ko sa ginawa niya, ganiyan nalang siya palagi, parang ayaw niyang napapansin ko ang mga ganung klase ng bagay.
"A-Ah e-eh, biglaan l-lang kasi na nakita k-ko sa d-drawer, baka mangalawang k-kaya sinuot k-ko na, bagay naman sa suot kong damit.."
"Bagay pala eh, bakit mo tinanggal?" Napayuko nalang siya.
"Eh kasi! Baka asarin mo nanaman ako!" Isa rin 'tong pagiging impatient niya, na akala mo naman talaga may ginagawa akong palaging mali.
"Hindi mo pa nga naririnig 'yung susunod kong sasabihin nag rereact ka na agad ng ganiyan, saka Taru, hindi kita bibilhan ng mga bagay na alam kong hindi bagay sa'yo,"
ISHINTAROU's POV
"Nagulo pa tuloy 'yang buhok mo.." Medyo nakaramdam naman ako ng konsensya sa sinabi niya.
Oo nga naman, bakit kasi iniisip ko palagi na aasarin niya ako? Eh ni minsan never naman niya ako inasar sa physical appearance ko.
"Sorry.." Maliit na usal ko.
"Akin na 'yang hairpin mo." Inilahad niya ang kamay sa harapan ko at parang nanigas ako, hindi ko alam kung ibibigay ko ba o hindi, kasi baka kunin na niya ng deretso at hindi na niya ibalik pa sa akin.
"B-Bakit? Akin na 'to ah? 'Wag mo sabihing babawiin mo na 'to?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Parang gusto kong mataranta sa ekspresyon ng mukha niya kasi ang sexy niya masyado.
╰(⇀‸↼)╯
"Ayan ka nanaman, nag rereact ka nanaman agad? Wala naman akong sinabi," Napapahiyang kinuha ko ang hairpin sa loob ng bulsa ko at inilapag sa ibabaw ng mesa.
Ayokong madikit sa kamay niya kung sakali mang ilalapag ko 'yun mismo sa malambot niyang palad, baka kasi mabaliw lang ako.
Hindi siya nagsalita pero tumayo siya at lumapit sa'kin.
Nag panic ako sa ginawa niya, sasapakin niya ba ako? Sasabunutan? Sasampalin? Bakit pa siya lumapit?.
Parang tumigil ang oras nang makita ko ang paglapit ng mukha niya at ang pag hawak niya ng magaan sa ulo ko para mailagay niya ng maayos ang hairpin.
Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.
Hindi na ako halos makahinga, hindi na rin ako makapag isip ng matino, nakaalis na siya lahat lahat sa harapan ko ay parang wala pa rin ako sa wisyo.
Naamoy ko pa rin ang pabango niya sa harap ko, tila nadikit pa ang amoy niya sa buhok ko.
"There...you look more beautiful now, Taru,"
Tangina Nam...
![](https://img.wattpad.com/cover/207900733-288-k322312.jpg)
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
De TodoBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E