*MANAMI's POV*
"Tinawag kita nung nakaraan, hindi ka naman tumitingin." Nagpapaawang saad ni Luigi.
Ilang araw ko na siyang iniwasan. Pero dahil sa may kailangan akong gawing research..
Andito ako sa library sakto namang nakita niya ako.
Napakamot ako sa likod ng tenga ko.
"E-Eh...'di ko naman narinig...kailan ba 'yun?" Kunyaring walang alam na tanong ko.
"Yung sunday, kumakain kayo sa japanese restaurant. Kasama mo 'yung dalawa mong kaibigan." Nagkunyari akong nagulat.
"Ah! 'Yun ba?"
"Shhhh."
Mukhang napalakas ata ang boses ko..
"Oo 'yun nga."
"Baka nga hindi ko narinig...nagmamadali na kase ako nun eh."
"Halata nga...kaya nga nung sumaktong tinawag kita napatakbo ka..." Shit..
"Sumakto lang 'yon." Balewalang tugon ko.
Pero ang totoo gusto ko ng magpalamon dito sa kinauupuan ko.
Kung makatitig ang isang 'to parang may nagawa akong napakalaking problema eh.
"Kilala mo na pala 'yung kapatid ko." Huh?..
"Ano? Anong kapatid?"
"'Yung kapatid kong si Ishin."
Putangina... PUTANGINAAAAA.
NAKALIMUTAN KO MAGKAPATID NGA PALA SILA.
N-Nabanggit niya pala sa'kin 'yun...
How come na hindi ko natandaan.
Aish tanga tanga Nami.
Ilang gabi pa akong isip ng isip du'n tapos...
TAPOS MAGKAPATID NGA PALA SILA!.
TANGA MO NAMI pakyu sagad.
Putangina mo Nam.
"Huy? Ba't napapangiwi ka diyan?" Inayos ko naman ang mukha ko.
"Uhm wala may naalala lang."
"Ahh..so...mabalik tayo. Kilala mo na pala ang kapatid ko eh. 'Yung nakaraan duon ka nagstay sa bahay kasi ang taas ng lagnat mo, hindi na nga kita naabutan dahil umuwi ka na raw." Muka naman siyang nalungkot ng sinabi niya 'yun.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E