MOON AND STAR

54 4 0
                                    

Chapter 3.
"Nory kanina ka pa riyan tulala ah," pansin ni Kiara sa akin.

"Oo nga! What are you thinking?" tanong sa akin ni Kristoff.

Napa-balik ako sa ulirat at tinignan ang kanilang mga nagtatakang tingin.

"W-wala 'to! Iniisip ko lang yung ibang gastusin ko sa school," pagsisinungaling ko.

Nakokonsensiya ako sa pagsisinungaling sa kanila. Pero hindi ako handang sabihin sa kanila kong ano ang nasa isip ko. Iniisip ko parin kasi ang nangyari sa 'kin kanina.

Iyon ang kauna-unahang beses na kinausap niya ako. Iyon ang kauna-unahang beses na tinignan niya ako nang matagal. Iyon ang kauna-unahang beses na lumapit siya sa akin nang ganoon kalapit.

Hanggang ngayon ramdam ko parin ang kaniyang hininga sa aking balat. Naghaharumentado parin ang puso ko sa bilis.

"I told you already. You can borrow my money," seryosong sabi ni Kristoff.

"You can have my card if you want too. Hindi ko pa naman gagamitin," presinta ni Kiara.

Mali pa 'ata ang excuse ko. Umiling ako sa kanila at ngumiti.

"Hindi na kailangan maliit na halaga lang iyon. May libro lang kasi akong binili."

Bumuntong hininga lang sila. Hangga't maaari ayaw kong tumanggap ng pera sa kanila. Ayaw kong isipin nila na inaabuso ko ang pagkakaibigan namin.

Ayaw kong isipin nila na ginagamit ko lang sila.  Because that is the last thing I want to do. I hate people who use others for there needs.

------------------------------------------------------
Tumutogtog na naman siya dito sa rooftop ng gitara habang pinagmamasdan ko siya at pinakikinggan ang kaniyang tugtogin.

🎶And my friend said
I know you love her, but it's over, mate
It doesn't matter, put the phone away
It's never easy to walk away, let her go
It'll be alright🎶

Napakalamig ng kaniyang boses. Ang sarap pakinggan.

🎶So I asked to look back at all the messages you'd sent
And I know it wasn't right, but it was fucking with my head
And everything deleted like the past, yea it was gone
And when I touched your face, I could tell you're moving on🎶

Ito ang kauna-unang beses na narinig ko siyang kumanta. Dahil kadalasan ay tumutugtog lang siya ng gitara o di kaya'y violin.

🎶But it's not the fact that you kissed him yesterday
It's the feeling of betrayal, that I just can't seem to shake
And everything I know tells me that I should walk away
But I just want to stay🎶

Iba't-ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya habang siya ay kumakanta.

Aalis na sana ako dahil baka mahuli niya akong pinapakinggan ang kaniyang kanta. Pero nagulat nalang ako nang magsalita siya.

"What are you doing here?" malalim at buo ang kaniyang boses.

Kumalabog na naman ng husto ang puso ko. Bumuntong hininga muna ako bago humarap sa kaniya. Nakatalikod parin siya sa akin at nakaupo.

Hindi ako makapagsalita dahil parang may bara sa lalamunan ko. Kinakabahan ako pero pilit kong kinakalma ang sarili ko.

Napansin niyang hindi ako nagsasalita kaya tumayo siya at humakbang papunta sa akin. Ngayon ay nasa harapan ko na siya.

"I'm asking you. What are you doing here?" seryoso siya habang nakatingin sa mga mata ko.

Matapang ko siyang tinignan sa mata. "Bakit mo ako tinatanong? Interesado ka ba sa akin?"

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon