THE GIRL IN A HOOD

25 1 1
                                    

Chapter 30.
"Ara hawakan mo lang ang kamay ko. Mahahanap din natin sila," pagpapakalma ko kay Kiara dahil alam kong takot siya sa dilim.

Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng kaniyang kamay. Pati na rin ang kaniyang panginginig.

Naaninag ko ang guest room na tutulugan namin ni Kiara dahil sa kaunting liwanag na nanggagaling sa maliit na bintana.

"Ara dito ka lang. Kukunin ko lang yung cellphone ko na nasa kwarto para magkaroon tayo ng kaunting liwanag."

Tumango ito dahilan para umalis ako sa tabi niya at pumasok sa loob ng kuwarto. Hinanap ko ang cellphone ko sa bag pero hindi ko ito mahanap.

"Saan ko nga ba iyon nailagay?" pagkausap ko sa sarili ko at pilit inaalala kung saan ko nailagay ang cellphone ko.

Napapitlag ako nang biglang may tumunog. Nakita ko ang cellphone ko na nakapatong sa cabinet, tumutunog ito at umiilaw.

Kinuha ko ito at tinignan. 13 missed calls and 7 messages from Brett. 5 missed calls and 2 messages from Kristoff.

'Where are you?'

'Are you okay?'

'Are you with Kiara?'

'Answer the call!'

Iyan ang iilang mga messages na natanggap ko mula kay Brett at Kristoff hindi ko na binasa ang iba dahil naalala ko na iniwan ko pala sa labas si Kiara.

Hindi ko na ito pinasama sa loob dahil sa sobrang dilim dito hindi katulad sa labas na may kaunting sinag ng ilaw na nanggaling sa bintana.

"Ara," pagtawag ko rito pero hindi ito sumasagot.

Dito ko lang siya iniwan sa pintuan. Saan na nagpunta iyon? I tried to called Brett pero wala na pala akong load kaka-expire lang kanina. Malas!

"Ara!" I shouted but she didn't answer.

'30 minutes left'

'30 minutes left'

'30 minutes left'

Paulit-ulit na nag-p-play sa utak ko ang sinabi ni Kristy. Ang mukha niya kanina halatang may hindi magandang gagawin.

Unti-unti nang tinambol ang dibdib ko sa kaba. Sana pala hindi ko na lang siya iniwan dito. I swear if something bad happened to her I would never forgive myself.

Pinunasan ko ang maliit na butil ng luha na tumulo sa kanang pisngi ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang babaeng naka-hood na itim at may hawak na bat.

Tumingin muna ito ng matagal sa akin bago dahan-dahang umalis pababa sa hagdan. Tulad ng dati naka-mask na itim parin ito.

'B-bakit may dugo ang kaniyang bat?'

"Tang ina si Kiara," sabi ko bago hinabol ang babae pababa sa hagdan.

Nang makababa ako sa hagdan tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin kong nasaan na ito.

Pero bago ko pa siya mahanap ay ako na ang nahanap niya may humampas na matigas na bagay sa ulo ko. Sa likod ko ito umatake.

Pero bago dumilim ang paningin ko, nakita ko ang babae na unti-unting tinatanggal ang mask sa bibig niya.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon