FINDING HER

22 1 0
                                    

Chapter 31.
Brett POV
Pilit akong ngumiti kay Kristy nang makita kong nakatingin ito sa akin at nakangiti. May kakaiba sa mga ngiti niya pero pinagsawalang-bahala ko lang ito.

Hanggang ngayon nalilito parin ako sa nararamdaman ko. Posible bang magmahal ang isang tao ng dalawa? Naguguluhan ako, mahal ko pa ba ang babaeng na sa harapan ko o pinipilit ko lang paniwalain ang sarili ko sa isang kasinungalingan.

Napatingin ako saglit kay Stephen nang mag-ring ang phone nito. "Excuse me," saad nito bago tumayo at umalis.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik ito, kinuha nito ang wallet na nakalagay sa mesa bago nagpaalam na umalis.

Napakunot ang noo ko nang mamatay ang ilaw sa buong mansion. Naalala ko si nora sa taas kasama si Kiara, tatayo na sana ako para puntahan ito pero napatingin ako sa gilid ko nang may humawak sa kaliwa kong braso.

"Don't leave me. You know I'm afraid of the dark, don't you?" nagmamakaawang pakiusap nito sa akin.

"Psh," narinig kong umismid si Kristoff sa amin pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.

Nalilito ako kung sino ang uunahin ko, tinignan ko ng mabuti ang mukha ni Kristy nakita kong nangingilid ang luha niya kaya alam kong natatakot siya. Naalala ko pa nung nag-aaral kami sa sekondarya, umiiyak siya sa sulok ng aparador dahil sa sobrang takot niya.

There was a brownout then due to extreme weather. Naririnig ko ang iyak niya noon kaya agad ko siyang pinuntahan. Doon ko lang nalaman sa step mother niya na meron pala itong Nyctophobia, fear of darkness.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si nora. Nang hindi ito sumasagot sa pang-limang beses ay umulit akong i-idial siya.

Nag-iwan ako ng message kay nora dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko. Napabuntong hininga ako ng bigla itong mag-send sa akin ng message.

"We're okay ;)"

Napakunot ang noo ko nang mapansing may kakaiba sa message ni nora. Hindi ito kailanman gumagamit ng emojie sa tuwing nag-me-message ito sa akin.

Napatingin ako kay Kristoff nang bigla itong magsalita. "Kiara text me, they're okay."

Makikiusap sana ako kay Kristoff na puntahan sila nora pero nakatayo na ito at mukhang pupuntahan sila nora. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginawa ni Kristoff.

"Sama ako," saad ni Corrin kay Kristoff.

"Corrin what about me?" asik ng fiance ni Corrin sa kaniya. Nakita kong napatingin si Kristoff sa kamay ng fiance ni Corrin na nakahawak sa palapulsuhan ni Corrin.

"No need," walang emosyong saad ni Kristoff at pagkatapos ay umalis na.

Napakunot ang noo ko nang may marinig akong sigaw mula sa itaas. Mukhang nanggagaling ito sa kwarto ni mommy kung nasaan si Celine at Clifford.

Tatayo na sana ako para puntahan ito pero pinigilan ulit ako ni Kristy.

"Kasama nila si Clifford, Brett." paalala sa akin ni Kristy na para bang sinasabi na walang mangyayaring masama kila mommy dahil nandoon naman si Clifford.

"Kailangan ko silang puntahan Kristy. Dito ka lang, nandito naman sila Corrin," seryoso kong saad sa kaniya.

"Pero-," aangal pa sana ito pero tumakbo na agad ako papunta sa itaas para puntahan sila mommy.

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Clifford na ginigising si mommy. Nagmadali agad akong pumunta kay mommy nang makitang wala itong malay.

"What happened?" hinawakan ko ang pulso ni mommy at medyo nakahinga ako ng maluwag nang maramdamang may pulso pa ito pero mahina lang ang tibok ng pulso nito.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon