BITE MY LIPS

52 5 3
                                    

Chapter 9.
Hinampas ko siya sa dibdib pero hindi ito gaanong kalakas. "A-anong ginagawa mo? Bitawan mo ako!" tarantang sigaw ko sa kaniya.

Nakatingin lang siya sa harapan at hindi ako sinusulyapan. Nakita kong naiirita na siya sa pagpupumiglas ko kaya huminto muna siya at tinignan ako ng masama.

"Can you please stop it! Kung hindi katitigil sa kapupumiglas mo ihuhulog kita sa ilog," frustrated na frustrated ang kaniyang mukha habang pinagbabantaan ako.

Kaya hindi na ako nagsalita at naisip ko pagkakataon ko na ito. Napangiti ako sa isipin ko. Inilagay niya ako sa passenger seat ng kotse niya.

Parehos na kaming dalawa na nasa loob ng kotse, tinignan niya ako ng matagal kaya nagtaka ako kung bakit?

"Fasten your seatbelt, hindi ka naman siguro nabalian ng buto sa kamay, diba?" tunog sarcastic ito.

Tsk, alam ko namang napilitan lang siya na isakay ako sa kotse niya. Isinakay lang niya ako dahil pakiramdam niya responsibilidad niya ako. Kasi nga siya ang may kasalanan kung bakit hindi ako makalakad ng maayos.

"Ihahatid na kita sa dorm mo," sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.

I look at him with widen eyes and disbelief. Nilingon naman niya ako saglit at kumunot ang noo dahil sa ekspresyon ko.

"Don't look at me with that look in your eyes," sabi niya sa akin habang nakatingin sa harap.

"Nabalian ako ng buto dahil sayo at ngayon ay namamaga na ito ni hindi nga ako makalakad ng maayos. Tapos hindi mo man lang ito gagamutin, hahayaan mo nalang na ganito? Wala kang konsensiya," sabi ko sa kaniya na umiiling-iling pa.

I act like I'm so dissapointed with his action.

"You talk to much," sabi niya na inirapan lang ako.

I bit my lower lip because of frustration, then I stopped when I realized something.

Dati hindi kami ganito ka close pero ngayon nag-level up na, hindi ko naman sinasabi na close na kami sa isa't-isa ngayon. Ang alam ko lang may pinagbago sa dati at ngayon.

Napangiti ako dahil sa isipin na nag-improved na ang relationshit namin ni Brett. Maya-maya ay bigla na lang akong napatawa.

"Are you on drugs?" nakangiwing tanong ni Brett sa akin.

"Tumawa lang adik na, diba puwedeng masaya lang?"

"Edi bipolar ka. Kanina lang naiinis ka sa akin tapos ngayon tumatawa kang mag-isa," he said in disbelief.

------------------------------------------------------
Tumigil kami sa isang malaking subdivision kaya nagtaka ako.

"Saan mo ako dinala?" tanong ko sa kaniya nung nasa labas na ako ng kotse niya.

"Follow me," he said ignoring my question.

Sumunod ako sa kaniya pero paika-ika ang lakad ko. Tiniis ko 'yung sakit. Napansin niya 'ata na ang layo ko pa sa kaniya kaya nilingon niya ako.

Bumuntong hininga siya nung nakita akong nahihirapan sa paglalakad at lumapit papunta sa akin. Walang ano-ano'y binuhat niya ulit ako.

Nung nakapasok na kami sa unit niya ay nilapag niya ako sa sofa. Kaming dalawa lang dito? Parang may naiisip ako.....charot!

Pagod siyang umupo sa katapat kong sofa at parang inaantok na. Tinanggal niya ang kaniyang suit at sinunod ang necktie. Kinuha niya ang tubig sa lamesa at ininom.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon