Chapter 25.
🎶 Diba nga ito ang iyong gusto?
O, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon🎶I play my guitar while singing the song "kathang isip".
🎶 Mga gabing di namamalayang
Oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag kung
San man tayo mapadpad
Bawat kilig na nadarama
Sa tuwing hawak ang 'yong kamay
Ito'y maling akala
Isang malaking sablay🎶Nandito ako ngayon sa condo ni Kristoff kasama si Kiara. Mukhang heart broken yung isa dahil kanina pa nag-iinom. Ipinatawag kaming dalawa bigla ni Kiara. Sabi niya kailangan niya ng kasama para kapag magpakamatay siya may pipigil sa kaniya.
May sira rin ulo non. Pagkamalan ba kaming si Corrin kanina.
🎶 Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)🎶Unti-unting naglandas ang mga luha sa mga mata ko. Akala ko naubos na luha ko kahapon, hindi pa pala. Naka 269 missed calls sa akin si Brett. Tadtad rin niya ako ng message pero binaliwala ko lang ito.
Hindi ko pa siya kayang harapin o kausapin. Masyadong masakit ang ginawa niya sa akin. Gusto ko kapag kaharap ko siya hindi na ako luluha sa harapan niya. Hindi na ako makakaramdam ng sakit.
Hindi ko kayang nagmukmok na lang dito. Tumayo ako at itinabi ang gitara. Pumunta ako sa Island bar counter kung saan nandoon si Kristoff.
"Hey, *hik* join me!" pulang-pula na ang buong mukha ni Kristoff.
Lasing na lasing narin siya dahil kanina pa siya tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa.
'Parang tanga lang'
Umupo ako sa tabi niya at pagkatapos ay nilagok ng isahan ang nakasalin na alak sa baso. Napangiwi ako dahil sa lasa.
"Nory pati ba naman ikaw!" lukot na lukot ang mukha ni Kiara habang nakatingin sa amin.
"Come on party girl," hindi na tuwid ang pananalita ni Kristoff dahil sa kalasingan.
Naka-sampung shot pa lang ako pero lumalabo na ang paningin ko. Dalawang tao na ang tingin ko kay Kiara at Kristoff.
"Sige na nga. Kanina pa ako natatakam diyan," pagsusuko ni Kiara.
Umupo siya sa tabi ni Kristoff kaya napapagitnaan namin si Kristoff. Sunod-sunod ang kaniyang shot. Napailing na lang ako.
'Sugapa talaga sa alak'
Nag-cr si Kristoff at sumunod naman si Kiara sa kaniya.
'Anong gagawin ng dalawang 'yon?'
Kanina pa ring ng ring ang cellphone ni Kiara kaya hindi ako makatiis, sinagot ko ito.
'Stephen weird? Sino naman 'to?'
"Heyo? Shino 'to?" sinagot ko ang tawag.
Matagal bago nagsalita ang nasa kabilang linya.
"Where's Kiara?" napaka-husky ng boses niya.
Siguro nakabingwit ng sugar papa si Kiara.
"Nasha shi-ar *hik* kashama shi brocolli *hik*," tawang-tawa ako habang nagsasalita. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil ito sa alcohol.
"Who's brocolli?" nangilabot ako sa lamig ng kaniyang boses.
'Sino ba 'to? Pa mysterious'
"Bakit *hik* mey kwash ka kay tope? *hik*. Pleyboy yun shino-shino na lang kama *hik*," natatawa kong saad.
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Novela JuvenilPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...