Chapter 5.
Bumuntong hininga mo na ako ng napakalalim bago naglakad papunta sa kinaroroonan ni Brett. Nilakasan ko na ang loob ko.Kaya nung nasa gilid na niya ako tumikhim ako para makuha ang atensiyon niya. Tumigil naman siya sa pagtugtog ng kaniyang gitara at nilingon ako.
"What do you want?" tanong niya sa akin.
"Gusto ko lang sanang manghingi ng tawad sa nangyari kanina," mahinahon kong sabi sa kaniya.
Bakit ba ako nanghihingi ng tawad sa nangyari kanina? Siya nga dapat ang manghingi sa akin ng tawad dahil sa pakikitungo niya sa akin. Binigay ko lang naman ang gitara niya dahil naiwan niya ito sa rooftop.
"Kanina? Anong kanina ang tinutukoy mo?" tanong niya sa akin ng nakakunot ang noo.
Mukhang wala naman 'ata siyang pake at hindi rin big deal sa kaniya iyon. Bakit ko pa kasi naisipang lapitan siya. Gano'n ko na ba talaga siya kagusto?
Feeling ko kasi ginawa ko lang excuse ang paghingi ng tawad sa kaniya para lang makausap at malapitan ko siya.
"K-kanina nung hinabol kita at nung binigay ko sayo ang gitara mo," sabi ko.
Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nagtataka 'ata siya kaya nilinaw ko.
"Feeling ko kasi may hinahabol ka at naistorbo pa kita. Wrong timing 'ata ako," tinignan ko siya nawala na ang pagkakunot-noo niya.
"It's okay, it's not a big deal. Hindi mo kailangang manghingi ng sorry dahil wala ka namang kasalanan," sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.
"Yung sinabi rin ni professor Kang kani-," di ko na natapos ang sinabi ko dahil pinutol niya agad ito.
"I don't care about it, I have a girlfriend," malamig na sabi niya sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya at naramdaman ko nalang na may luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. May isang butil ng luha sa mga mata ko ang nakatakas.
Pinunasan ko agad ito. Nagpapasalamat ako na hindi siya nakatingin sa akin sa mga oras na ito. Inayos ko ang sarili ko at nilakasan ang loob.
"Hindi kita gusto," pagsisinungaling ko sa kaniya. I have to save my own dignity.
"I'm glad to hear that," walang emosyong sabi niya at pagkatapos ay umalis na dala ang kaniyang gitara.
Pagkaalis niya saka na bumuhos ang luha sa mga mata ko. Nakatayo ako doon habang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang sinabi niya sa akin.
May nag-abot ng panyo sa akin. Hindi ko man ito tignan alam kong si Kristoff ito. Hindi ko kinuha ang panyo sa kaniya at hindi ko rin siya nililingon.
"Ako pa ba ang magpupunas ng mga luha mo?" seryosong tanong sa akin ni Kristoff.
Kaya kinuha ko na agad ang panyo sa kamay niya at nagpunas ng luha. Nakatagilid parin ako sa kaniya.
"Thank you," sabi ko habang sumisinghot.
Pinaupo niya ako sa upuan kung saan naka-upo si Brett kanina at umupo rin siya sa tabi ko.
"He's life is so complicated," kahit wala siyang binabanggit na pangalan alam ko kong sino ang tinutukoy niya.
"He loves someone else, so please stop liking him, just find someone else," mahinahong sabi niya sa akin.
Parang tinutusok ang puso ko habang pinapakinggan si Kristoff. He loves someone else? So it means that I don't have a chance on him? Okay...I don't have a chance on him.
Ngayon ko lang napagtanto ang feelings ko sa kaniya. When I first saw him, my heart beats so fast, because that time, I admire him a lot.
I don't like him because I like him so fucking much. Everytime he sing, everytime he talked to me, everytime he near to me and everytime he looked at me. My feelings to him get deeper and deeper.
"I don't want you to get hurt, kaya willing akong jowain ka, 'wag ka lang masaktan," malamig na sabi ni Kristoff.
I look at him with a ridicolous look. My eyes widened and my jaw dropped. What the heck! Is he serious?
"Pft HAHAHAHAHAHAHAHA!" biglang humagalpak ng tawa si Kristoff. Hawak niya ang kaniyang tiyan habang nakaturo ang kaniyang daliri sa akin.
Sinamaan ko agad siya ng tingin nang napagtanto kong niloloko niya lang ako.
"Y-your HAHA face is so HAHA epic!" nahihirapan siyang magsalita dahil tawa parin siya ng tawa.
Natawa narin ako dahil sa mukha at tawa niya. Kahit papaano gumaan ang loob ko. Huminto na siya sa kakatawa at pinunasan ang luha sa mga mata niya dahil sa sobrang saya.
"Joke lang! Di tayo talo," tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at umiling.
"Grabe ka sakin! Maganda naman ako ah."
"Babe, I want 4D size of boobs and big ass," nakangisi niyang sabi sa akin.
"Woi! Manyak ka!" I said in a horrible tones.
Tumawa lang siya at kinindatan ako. "Are you lost baby girl?" panggagaya niya kay Massimo sabay halakhak. Tuwang-tuwa sa kalokohan niya.
------------------------------------------------------
"Ako nalang ang bibili, tutal dadaan din naman ako sa mall," pagpresinta ko.Gino-grupo kasi kami ng professor namin. May gagawin kaming projects at kailangan ang mga ibang materyales. Kaya ako na ang nagpresintang bumili.
Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko. Nagplano-plano na kami kong saan kami magkikita at kong kailan namin ito gagawin.
Nathan volunteer; sa condo nalang niya kami gagawa. Nathan is a nerd guy at tahimik lang siya most of the time.
Hindi ko ka-grupo si Kristoff at Brett. Pero magkagrupo silang dalawa. Narinig ko na sa bahay na lang ni Kristoff sila gagawa.
------------------------------------------------------
Nabili ko na lahat ng mga kakailanganin naming materyales para sa project. Medyo marami ito pero hindi naman ako nahirapang bitbitin ang mga ito.Pumunta naman ako sa hairclip store para bilhin ang nadaanan ko nung isang araw.
Isang pares ng clip sa buhok na may moon design.Tinignan ko ito ang ganda talaga. Isang pares ng clip nalang ito, ang bilis maubos. Medyo marami pa 'to nung nadaanan ko siya last week.
Akmang kukunin ko na ito pero may kamay rin na kumuha nito. Tinignan ko kung sino ang kumuha nito. Babae pala siya, mahaba at tuwid ang kaniyang buhok.
Matangkad din ito, hanggang leeg niya lang 'ata ako. Isa pa naka-heels kasi siya. Tinignan niya ako at ngumiti sa akin.
"Would you like to buy it too?" mahinhin at malumanay siyang magsalita.
"Oo sana pero okay lang! 'Di ko naman siya kailangan na kailangan talaga," sabi ko ng nakangiti rin sa kaniya.
"No, you can have it," binigay niya ito sa akin pero hindi ko ito tinanggap.
"Okay lang talaga miss, sa 'yo nalang, mukha kasing mas kailangan mo iyan eh," nakangiti parin ako sa kaniya.
Ngumiti siya ng napakalawak sa akin. "Thank you so much. I love this too!" friendly na sabi niya sa akin.
Hindi na siya nakipagtalo sa akin at kinuha nalang ang clip. Masayang-masaya siya dahil pinaubaya ko ito sa kaniya.
Ang ganda niya at meron din siyang mga berdeng mata katulad ng kay- nevermind! Nagpaalam ako sa kaniya na aalis na ako. Marami pa kasi akong gagawin.
Pagkalabas ko sa mall ay pumara na agad ako ng trysicle. Umaambon na kasi at sobrang dilim narin ng langit kaya paniguradong uulan ito ng malakas.
"Saan po kayo ma'am?" tanong ng trysicle driver sa akin.
"Doon po sa UP Diliman kuya!" medyo nilakasan ko ang boses ko dahil umulan na ng malakas at baka hindi kami magkarinigan.
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Teen FictionPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...