45 DAYS

29 4 3
                                    

Chapter 18.
Mag-isa ako ngayong kumakain sa cafeteria. Wala si Kristoff ngayon dahil may meeting pa ito with students counsil.
Si Kiara naman ay nagka-klase pa, mamaya pa yung break non.

Habang kumakain ako napasinghap ako nang biglang binuhusan ng tubig yung pagkain ko.

"Eat it. Masarap iyan," nakangiting sabi ni Fiona sa akin.

Umupo silang tatlo sa inuukupahan kong lamesa. Nang-aasar ang kanilang mga tingin samantalang si Fiona ay nakangiti lang ng matamis sa akin.

'She look psycho'

Padabog akong tumayo at aalis na sana ng may humawak sa braso ko. Nanggigigil ko itong hinarap pero agad ding kumalma ng nakita kong si Bianca lang pala.

"P-pinapatawag ka ni ma'am," uutal-utal niyang saad. Nakayuko ito sa akin at hindi makatingin. Kumunot ang noo ko.

'Parang nasobrahan naman 'ata to sa pagiging mahiyain ngayon'

Mahiyain si Bianca at minsan lang ito kung makipag-usap. Kapatid niya si Nathan na kaklase rin namin. Pareho silang tahimik at mahiyain. Parehong mga softie at hindi makabasag-pinggan.

"Nasan si Ms. Macapagal?" tanong ko rito.

"Nandoon," turo niya palabas ng cafeteria. Hindi parin ito makatingin sa akin.

"Bianca maraming doon," casual kong sabi.

"S-sa Gonzales Hall. Nandoon siya sa library," saad nito at pagkatapos ay nagmamadaling umalis.

'Problema non?'

Tinignan ko muna ang tatlong bruha bago umalis. Nakataas ang kilay ng dalawang alipores ni Fiona. Pero si Fiona nakangiti parin ito sa akin.

'Damn. Para talaga siyang psycho'

Pagkalabas ko ng cafeteria nakita ko si Brett na naglalakad mag-isa. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naalala ko ang nangyari kagabi.

'King ina i-break ko na kaya ito?'

Nung una yung mga cold treatment niya sa akin pinapalampas ko. Pangalawa nung nakipag-halikan siya kay Kristy pinalampas ko parin iyon.

Pero yung umulit siya sa pangatlong beses aba'y sumusobra na siya. Kahit pa mahal na mahal ko siya, makikipaghiwalay ako sa kaniya kung ganito lang din naman.

'Talaga nory kaya mo siyang hiwalayan?' tinig ng isip ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kaya ko ba talaga? Paano ko naman malalaman kung hindi ko susubukan.

Lalapitan ko na sana siya pero napahinto ako. Parang umurong ang dila ko, hindi ko kaya. Pati mga paa ko parang ayaw gumalaw.

Kaya imbes na puntahan siya ay pumunta na lang ako sa library na sinasabi ni Bianca. Pero habang naglalakad ako sa harapan ng Gonzales Hall napansin ko na parang may nakamasid sa akin mula sa itaas.

Tinignan ko ito. Wala naman akong nakikita kahit isang estudyante na naglalakad sa itaas ng hall.

Maya-maya ay nagulat na lang ako nang biglang may yumakap sa akin at inilayo ako sa papahulog na vase.

Nawalan kami parehos ng balanse at napahiga sa semento.

"Ah," daing nito. Tinignan ko kung sino ito, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Brett na dumudugo ang kaliwang braso.

Tumayo ako at inalalayan siyang tumayo. Tinignan ko kung sino ang may gawa non at nakita ko ang babaeng naka-hood na itim at may mask sa bibig.

Akmang pupuntahan ito ni Brett nang pigilan ko siya sa kanang braso.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon