Chapter 17.
"Brett," I whispered as I watched him lean against the wall, dumbfounded and seemingly out of his mind.Tinakbo ko ang pagitan namin at walang ano-ano'y yinakap siya ng mahigpit.
"I know you need a lean and a source of strength. I am willing to be your strength and lean. Take all that out. Just cry on my shoulder as much as you want."
'Kakalimutan ko muna ang ginawa mo akin dahil alam kong kailangan mo nang masasandigan'
Dahan-dahan siyang gumanti ng yakap sa akin. Umaalog ang balikat nito senyales na umiiyak ito sa balikat ko.
"I am always here for you, I will not leave you. Everything will be fine, trust me," tumulo ang luha ko habang sinasabi ang mga katagang ito.
Umiiyak ako habang nakatingin sa walang malay na katawan ni mama. Nasa labas ako ng kwarto na inuukupahan ni mama.
Bawal daw akong pumasok sa kwartong 'yan dahil baka tulad ni mama, magkasakit din ako.
Laking pasalamat ko sa tatay ni kaikai dahil siya ang sumagot sa lahat ng gastusin ni mama rito sa ospital.
Sabi nila gagawin nila ang lahat para gumising si mama pero bakit hanggang ngayon hindi parin siya gumigising?
Nakalapat ang dalawang kamay ko sa salamin habang pinagmamasdan si mama na nakaratay sa higaan. Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko.
"Ma gumising kana riyan, parang awa mona. Iniwan na nga ako ni lolo pati ba naman ikaw, iiwan mo din ako."
Lalo akong napahagulhol nang may biglaang yumakap sa akin. Alam kong si kaikai ito dahil naaamoy ko ang natural niyang amoy.
"Tahan na please. 'Wag ka nang umiyak," pagmamakaawa sa akin ni kaikai.
"S-si mama. Iiwan na niya ako," paos ang boses ko dahil sa magdamagang pag-iyak ko.
"Shh don't say that," saad ni kaikai habang hinahagod ang likuran ko. "I am always here for you, I will not leave you. Everything will be fine, trust me."
"I promise you that, nora."
Does promises meant to be broken? Kasi lahat ng ipinangako nila sa akin. Wala ni isa man ang natupad.
Nangako si lolo na siya ang maghahatid sa akin sa altar pero hindi pa nga ako kinasal, nagpahinga na siya.
Nangako sa akin si mama na pipikit lang siya saglit pagkatapos didilat agad, pero pinag-antay lang niya ako sa wala.
Nangako sa akin si Mr. Alvaro na siya ang magiging 18 roses ko sa debut pero gaya ni lolo hindi niya ito inantay.
Nangako sa akin si kaikai na hindi niya ako iiwan pero iniwan niya parin ako. Kinalimutan pa nga eh. Wala naman iyon sa usapan.
Wala sila sa tabi ko nung mga panahong kailangan ko sila. Wala ni isa sa kanila ang nakiramay sa akin nung mga panahong walang-wala ako.
Marahan kong hinahaplos ang ulo ni Brett na nakatulog sa balikat ko. Napansin ko ang mga ilang pasa sa mukha niya pero hindi ito masyadong halata kung hindi mo ito titignan ng malapitan.
Bahagya itong gumalaw at umungol sa tabi ko sensayales na papagising na siya.
Humikab muna siya bago umalis sa balikat ko.Nakita kong nagkusot siya ng mata bago niya ako lingunin. Kumunot ang kaniyang noo nung nakita ako.
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Ficção AdolescentePerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...