Chapter 14.
"Leonora, totoo?" napatakip ako sa dalawang tainga ko ng tumili siya ng malakas."Ang sakit sa ears." masama ko siyang tinignan.
"Don't shout ara!" isa pa 'to eh, sabi niya 'wag daw sumigaw, pero nakasigaw rin siya.
'Di na ako magtataka kung pagtungtong ko ng 40's or 50's bengengot na ako.
"Oo, totoo ang sinabi ko," mahinahon kong sabi para 'di na sila mag-sigawan.
"Subukan mong ibuga ulit iyan sa pagmumukha ko tope. Kun'di ipakain ko sayo 'yang baso," pagbabanta ko sa kaniya.
Basang-basa na nga mukha ko dahil sa pagbuga niya ng tubig sa akin kani-kanina lang.
Tapos bubugahan na naman niya ako? Sa totoo lang mas malala pa siya kay Kiara. Binuhos na lang niya sana sa akin yung tubig sa planggana, nahiya pa eh.
Pinaupo nila akong dalawa sa sofa at pinagitnaan. "Beh, totoo? P-paano nangyari iyon?" tanong sa akin ni Kiara.
"Ginayuma mo ba siya?" Kristoff
"Pinagbantaan?" Kiara
"Ginahasa ta's nabuntis ka at kailangan mo ng tatay sa magiging anak mo." Kristoff
"O di kaya binayaran?" Kiara
"Puwede ring bli-" Kristoff
Napatigil silang dalawa sa pagsasalita nung nakita nilang sinamaan ko sila parehos ng tingin.
"Sabi ko nga tahimik na lang," saad ni Kristoff na nag-zip sign pa.
"A-ano nga frenny?" nahihiyang tanong sa akin ni Kiara. Kumunot noo ko dahil iba na naman tawag niya sa akin.
Nakita kong para siyang na-ge-guilty.
Psh, na-realize 'ata yung pinagsasabi niya sa 'kin kanina.
------------------------------------------------------
Masaya akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Brett nung nakita ko siya.Papasok na sana siya sa kotse niya ng hinampas ko ang puwet niya. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko.
Nung maka-recover na ay galit siyang humarap sa akin. Bahagya pa siyang nagulat nang lingunin ako pero nawala kaagad ito.
"Psh, anong ginagawa mo rito?" masungit niyang sabi sa akin.
Nalaglag ang panga ko dahil sa asta niya. Nabagok ba ito at nalimutan niyang girlfriend niya ako? Eh kung iumpog ko kaya ito para maalala niya.
Pinag-krus ko ang mga kamay ko sa dibdib at masama siyang tinignan.
Nagulat siya sa ayos ko nang lingunin niya ako sa pangalawang beses.
"Gawain ba iyan ng boyfriend? Yung ipagtaboy yung girlfriend niya," masama ko siyang tinignan.
Nakita kong napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Inirapan ko siya bago umalis sa harapan niya.
Pinunasan ko ang isang butil ng luha na nakatakas sa mga mata ko. Ang sama talaga ng ugali niya, lagi na lang niya akong pinapaiyak.
Naramdaman kong parang may sumusunod na kotse sa akin kaya binilisan ko ang pag-lakad ko.
Nagulat ako ng bigla itong bumusena. Tinignan ko ito na sa gilid ko na pala ito. Biglang bumaba ang salamin ng bintana at niluwa nito si Brett na seryosong nakatingin sa akin.
"Get in the car."
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad. Nanggigil ako nang nakita ko sa peripheral vision ko na sinusundan ako nito.
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Fiksi RemajaPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...