EPILOGUE

39 0 0
                                    

BRETT POV
Nang mailabas ko na si Leonora malayo sa building na ito ay sinabi ko kay Corrin kasama ang kaniyang fiancee na lumayo-layo na rito dahil merong bombang nakatanim dito sa abandonadong building.

"Paano ka Brett?" nag-aalalang tanong sa akin ni Corrin.

"Kailangan kong mailabas si Kiara," seryoso kong saad sa kaniya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagpipigil.

Narinig ko ang tungkol sa bomba kanina sa mga tauhan ni Kristy kaya ang iba sa kanila ay nag-sialisan na nang magkagulo kami kanina sa taas ng building. Nang masigurado kung nasa malayo na talaga sila Corrin at Leonora ay dali-dali akong pumasok ulit sa building.

Binasag ko ang isang bote na natagpuan ko sa gilid lang. Iyon ang ginamit ko upang maputol ang lubid na nakatali sa katawan ni Kiara. Nang matanggal ko na ang lubid sa kaniyang katawan ay ginising ko ito.

Matagal bago ito mag-mulat ng mata. Kitang-kita parin sa mukha nito ang panghihina. "Nasaan si nory?" agad nitong tanong sa akin pagmulat pa lang ng kaniyang mga mata.

Hindi ko ito sinagot dahil ayaw kong kausapin niya ako ng kausapin dahil lalo lang siyang manghihina.

"Boss kailangan na nating lumabas sampung minuto na lang ang natitira at sasabog na itong building na ito!" sigaw ng isang tauhan ko sa akin.

Pinadala ko siya rito nang magplano kami nila Stephen at Kristoff na sumugod dito para alamin kung ano ang mga plano ng tauhan ni Kristy.

Pinaangkas ko sa kaniyang likod si Kiara dahil paniguradong hindi pa kaya ni Kiara ang maglakad dahil sa sobrang panghihina.

"Boss paano ka?" tanong nito sa akin habang karga-karga niya si Kiara sa likod.

"Sige na Arthur, lumabas na kayo," seryoso kong saad dito kaya kahit nag-aalinlangan ma'y lumabas na ito ng building kasama si Kiara.

Hindi ko puwedeng iwanan si Kristy rito. Kailangan niya pang managot sa batas at walang kapatawaran ang ginawa niya sa amin lalo na kay Leonora.

Lalapit sana ako sa kaniya pero nagulat ako nang magising ito at dali-daling kinuha ang baril na nasa gilid lang niya.

"Hindi ko hahayaaang maging masaya kayo ni nory! Ang babaeng iyon ang sumira sa pamilya ko! Siya dapat ang nagdusa at hindi ako!" sigaw nito sa akin habang nakatutok ang baril sa akin, bahagyang nanginginig ang kamay nito kung saan nakahawak ang baril.

"Tumigil ka Kristy! Si nora ang higit na nagdudusa ngayon at wala kang alam don!" nagsisi ako na minahal ko ang babaeng ito at higit sa lahat nagsisi ako na nasaktan ko si nora ng dahil lang sa babaeng ito.

"Ikaw ang walang alam dahil tanga ka! Hindi mo parin alam hanggang ngayon na si nora ang pumatay sa daddy mo!" nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Tumigil kana Kristy, sa tingin mo paniniwalaan pa kita sa lahat ng ginawa mo?" walang emosyon kong tanong sa kaniya.

"Diba ikaw iyong lalaki na laging tinatawag ni nora na kaikai? Diba siya yung babaeng pinangakuan mo dati? Siya yung dahilan kung bakit namatay ang daddy mo!" nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya.

Unti-unting sumakit ang ulo ko at may biglang lumabas na mga imahe sa isipan ko.

"Hindi mo ba naalala? Nalunod ang tatay mo dahil sinagip nito ang pinakamamahal mong nora!" patuloy na pagsasalita ni Kristy,  lalong tini-triggered si Brett sa mga ala-alang pilit pumapasok sa utak niya.

Pagkatapos mailagay ni Mr. Alavaro si Mica sa bangka ay bumalik ito sa puwesto kung saan nalunod si nora dahil nakita nitong naihulog niya ang kuwentas na bigay ng mama ni nora.

Mahalaga ito sa kaniya dahil ang unang pag-ibig niya ang nagbigay nito sa kaniya. Habang kinukuha ni Mr. Alvaro ang kuwentas hindi nito namalayan ang isang malaking hampas ng alon.

Humampas ang kaniyang ulo sa bangka dahilan ng pagkawalan ng malay niya. Lumubog ang katawan nito at nagkaroon ng kulay dugo ang asul na dagat dahil sa dugo na nagmula sa ulo ni Mr. Alvaro.

Sinubukang sagipin ito ng mama ni Leonora pero binawian din agad ito ng buhay.

"Daddy!" sigaw ni kaikai sa walang malay na katawan ni Mr. Alvaro.

"Ah! Tama na!" sigaw ni Brett habang hawak ng dalawang kamay niya ang kaniyang ulo.

"Si nory ang pumatay sa daddy mo!" sigaw ni Kristy kay Brett, walang pakialam kahit na alam niyang lalo lang sumasakit ang ulo ni Brett dahil sa pagsigaw niya.

"Nagkakamali ka Kristy walang kasalanan si nora sa nangyari," malamig kong saad dito ng maalala ang tagpo kung saan nalunod si daddy.

Saglit na natahimik ito pero maya-maya'y biglang tumawa ito ng malakas. "Kung ganon bakit mo pinabayaan si nory? Bakit ka nagalit sa kaniya? Bakit mo siya iniwan?" natatawang tanong ni Kristy kay Brett.

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito?" galit kong tanong sa kaniya. Pinipigilan ang isipan na maalala ang tunay na dahilan kung bakit ko nagawang iwan si nora dati.

"Hindi mo pa talaga ako kilala Brett. Hindi mo na ba naaalala ang walang hiyang tatay ni nory?" natatawang tanong nito sa akin. Nababaliw na siya!

"Brett nalaman mong may relasyon si Mr. Alvaro at ang nanay ni nory diba? Kaya ka nagalit sa kaniya, diba? May anak sila! At ang anak nila ay walang iba kundi si David na iyo ring kapatid!" walang tigil ang pagsigaw ni Kristy habang pinapaalala sa akin ang mga ala-alang ayaw ko nang maalala.

Mga ala-alang pilit kong binabaon sa hukay. "Tumigil kana!" sigaw ko rito. Kinuha ko ang baril na nakatago lang sa jacket ko.

"Hindi ako magdadalawang isip na iputok ito sayo kung hindi mo ititikom ang bibig mo!" galit na sigaw ko sa kaniya. Nanginginig na ang katawan ko sa galit.

"Hindi mo na kailangang gawin iyan Brett dahil ako na mismo ang gagawa niyan. Sapat na sa akin ang makitang nahihirapan ka, nahihirapang tanggapin ang katotohanan na ang pinakamamahal mong nora ay ang taong kinamumuhian mo. Kailangan mong mabuhay dahil papahirapan mo pa si nory, ikaw ang magtutuloy ng sinimulan ko," nakangiti nitong saad na parang baliw sabay putok ng baril sa kaniyang ulo.

Walang emosyon kong tinignan ang bangkay ni Kristy. Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina. Wala ng saysay ang mabuhay pa. Hindi ko kayang tignan si nora habang naaalala ko ang kasalanan ng pamilya niya sa pamilya ko. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay mommy. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Celine.

Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay David at higit sa lahat hindi ko alam kung paano ko ito matatanggap. Tuluyan nang nilamon ng dilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Ang tangi ko lang narinig ay ang putok ng bomba bago ako nawalan ng malay.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon