Chapter 8.
"Nagpapahangin lang. Bakit, m-masama ba?" umiwas agad ako ng tingin sa kaniya.Ngumisi siya. "Really? Sa tuwing nandito ako, nandito karin diba?"
Tumawa ako para maibsan ang kaba sa dibdib ko. "Ano bang pinagsasabi mo diyan? B-baka coincidence lang! Masyado ka namang assuming."
Inirapan niya ako. "Sinungaling," pagkatapos ay umalis na siya.
Hinawakan ko yung dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ganon ko ba talaga siya ka-gusto? Yung tipong nagwawala ang puso ko sa tuwing malapit siya sa akin.
Naiwan niya ang gitara niya. Kinuha ko ito at tinignan. Hindi naman siguro siya magagalit kapag hinawakan ko ang gitara niya.
Habang tinitignan ko ito napansin ko sa gilid na may nakasulat na pangalan. Kumunot ang noo ko. Kristy? Sino si Kristy? Baka nanay niya o di kaya'y kapatid. Kinuha ko nalang ito at binitbit
Ayon naalala kona, iyon yung pangalan na nakasulat sa gitara ni Brett. Grabe, siguro mahal na mahal niya yung babaeng iyon dahil nagawa niya pa talagang isulat ang pangalan ng babae sa pinakamamahal niyang gitara.
Parang may kumirot sa dibdib ko.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Clifford nang nakita ang pagbabago ng itsura ko.
"Oo, okay lang ako," pinilit kong ngumiti para hindi niya ako mahalata. "Paano mo pala siya naging fiance?"
Bumuntong hininga ulit siya. "Because of one night stand, we both did the mistake but I was too drunk that time. I can't remember anything."
Nilingon niya ang kinaroroonan ni Brett at ang babae na nagngangalang Kristy.
Nilingon ko rin ito, nagsasayawan parin sila at parang may seryosong pinag-usapan dahil sa nakikita kong itsura ni Brett.
Hindi ko makita ang reaksiyon ng babae dahil nakatalikod ito sa akin. Magkadikit na magkadikit ang mga katawan nila, puwede na nga silang tawaging kambal tuko. Psh!
"Nagising nalang ako na walang saplot at may kasamang babae na katulad ko ay walang saplot din, at ang worst nadatnan kami ng daddy at mommy ni Kristy na ganoon ang ayos," sabi niya na parang problemadong-problemado.
Gising na ang diwa ko pero hindi parin nakamulat ang mga mata ko dahil nahihirapan akong idilat ang mga mata ko dahil sa sakit ng ulo. Teka may hangover ba ako?
Dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko. No'ng nakadilat na ang mga mata ko nagtaka ako kung bakit hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Teka 'asan ba ako?
Napatingin ako sa gilid ko at nanlaki ang mga mata ko no'ng napansin kong may katabi akong babae na hindi ko naman kilala pero pamilyar sa akin.
Kinalma ko ang sarili ko kahit nanginginig na ako sa nervous, hindi ito totoo walang nangyari sa amin.
Para makasigurado akong walang nangyari sa amin, tinignan ko ang katawan ko sa ilalim ng mga kumot.
Napabalikwas ako ng bangon ng nakita kong wala akong suot na kahit anong saplot. Nagising ang babae dahil sa ginawa ko.
"Hoy! Ikaw'ng babae ka anong ginawa mo sa akin!" nanggigigil na sigaw ko sa kaniya.
"H-ha? Ano ba yang pinagsasabi mo?" sabi ng babae pagkatapos ay umiwas na siya ng tingin. Nanliit ang mga mata ko, bakit ganiyan ang reaksiyon niya?
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Ficção AdolescentePerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...