BREAKING THE RULES

21 1 2
                                    

Chapter 29.
"Corrin, do the dare or the dare do you?" tanong ni Celine kay Corrin.

Kabahan ka na Kristoff.

Ngumiti ng pilit ang dalaga bago magsalita.

"I'm sorry. I can't do the dare," casual na sabi niya bago bumaling sa kaniyang fianceem na ngayon ay sobrang laki ng ngiti.

"Clifford, pass or g?" tanong ni Kiara kay Clifford na ngayon ay malaki ang ngisi na nakatingin kay Kristoff.

Nagbabanta ang mga mata ni Kristoff na ngayon ay nakikipaglaban ng titigan kay Clifford.

Nanlaki ang mga mata ni Kristoff nang makitang tumayo si Clifford papalapit kay Corrin.

Padabog na tumayo si Kristoff sa kaniyang kinauupuan nang tuluyan ng makalapit si Clifford kay Corrin.

Lumiit ang mata ko nang mapansing hindi lumulutang ang yelo sa baso na may lamang tequila.

"What the heck. Anong kalokohan 'to?" inis na bulong ko sa sarili ko.

"University of Pretoria pharmacology professor, Duncan Cromarty, told Africa Check that the myth ice will sink in a spiked drink is untrue. He did say, however, that there may be some dust or flecks visible on ice immediately after drugs have been added to a drink," mahinang saad ni Brett sapat na ako lang ang makarinig.

Nilingon ko ito pero nakatingin lang ito kay Clifford at sa fiance ni Corrin.

Dahan-dahang tumungo si Clifford upang kunin ang shot ng tequila at lagukin ito ng deretso.

Inobserbahan ko ang emosyon ng fiance ni Corrin. Nakakuyom ang kamao nito sa ilalim ng lamesa habang nakangiti ng peke ang mga labi nito. Gotcha! Alam ko na ang nangyayari.

Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Brett.

"Stop. Mas lalo lang gugulo ang sitwasyon. Let Clifford handle that," mahinang sabi niya sa akin. Ang mga mata niyang walang emosyon ay nakatingin kay Corrin.

"What's wrong nory?" takang tanong sa akin ni Kiara nang mapansing nakatayo ako.

"Nothing," tipid na sagot ko bago umupo. Tipid kong nginitian si Kiara upang mapanatag siya.

"Kailan mo pa napansin iyon?" mahinang bulong ko kay Brett. Ang mga tingin namin ay deretso lang sa harap upang hindi kami mapaghalataan.

"Kanina pa," tipid na bulong niya sa akin.

"Kaya pala ang tahimik mo," ako.

"Tahimik naman talaga ako," siya.

"Sa bagay," ako.

"So kanina niyo pa pala napapansin ni Clifford iyon? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" inis na bulong ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin pagkatapos ay inirapan ako.

"Para ano? Para sumugod ka? Katulad ng gagawin mo sana kanina?"

Inirapan ko ito dahil sa sagot niya. Alam kong hindi na niya iyon makikita dahil nakatingin na ito sa harapan ngayon.

Bakit hindi ko napaghalataan ang mukha ni Clifford kanina na may nangyayari na palang hindi tama.

Ang chill niya kasi kanina, patawa-tawa pa. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang pasimpleng iniluwa ni Clifford ang ininom niyang tequila.

"30 minutes left," napansin kong may binabanggit si Kristy sa hangin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagngisi niya ng mala-demonyo habang nakatingin sa pinsan niya.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon