UP DILIMAN

183 7 0
                                    

Chapter 1.
"Sigurado kana ba dito sa desisyon mo  nora?" tanong ni Lanie, kaibigan ko simula pagkabata.

Nag-iimpake na ako ng mga gamit ko dahil bukas ng madaling araw na ako aalis.

"Sarili ko nalang ang bumubuhay sa akin. Wala na akong ibang maaasahan," sabi ko ng hindi siya tinitignan at nag-iimpake parin ng mga gamit.

"Kung hindi ba naman gago 'yang tatay mo. Pinagpalit ka sa walang kuwentang babae," naiinis na sabi niya.

"Paki-abot nga ng isang bag ko diyan," utos ko sa kanya.

"Ito ba?" tumango ako at kinuha sa kan'ya. "Kung puwede lang kitang kupkupin ginawa ko na"

Tinignan ko lang siya at ngumiti sa kaniya. Hinding hindi kita makakalimutan.

"Ako na maghahatid sa 'yo sa daungan," presinta niya.

Tumawa ako ng bahagya. "Ikaw lang naman talaga ang maghahatid sa 'kin papunta sa daungan."

Nakita ko sa mukha niya ang lungkot at awa. Nag-iwas ako ng tingin. Dahil nagbabadya na naman ang mga luha sa aking mga mata.

Ayaw kong nakikita nila akong lumuluha. Ayaw kong kinakaawaan nila ako. Hindi ko gusto na tignan nila ako ng may awa. Nakakapanghina ng loob.

"Salamat pala sa tulong mo. Hayaan mo kapag naka-luwag ako babayaran kita," iniba ko nalang ang topic.

"Ano kaba! 'Wag ka ng mag-abala. Ang mahalaga maayos ang magiging buhay mo doon. 'Wag mo 'kong kakalimutan ha?" naiiyak na sabi niya.

Tumawa ako at tumango. "Promise! Hindi kita kakalimutan."

------------------------------------------------------
Dalawang araw na ako sa loob ng barko habang iniisip ang magiging buhay ko sa manila. Bukas na ng gabi ako makakarating sa Manila.

Tinignan ko ang mga perang natira sa akin. 'Paano ko kaya ito maipagkakasya?' Bahala na, magta-trabaho nalang ako habang nag-aaral.

Lumabas muna ako sa silid papunta sa banyo para umihi. Nagulat nalang ako nang may bumangga sa akin.

Napaupo ako dahil sa lakas ng pagkabangga sa akin. Ang sakit ng puwet ko.

"Miss sorry hindi ko sinasadya," hinawakan niya ang baywang at balikat ko para alalayan sa pagtayo.

Hindi na ako nag-abalang tignan at kausapin siya. Nagmadali na akong pumunta sa banyo para umihi dahil ihing-ihi na talaga ako. Pagkatapos kong umihi ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin sobrang putla ko na pala.

------------------------------------------------------
May nakuha na akong dorm dito sa paaralan ng UP. Maraming estudyante ang naghahanap ng dorm at sa kasamaang palad puno na ito. Kaya ang iba ay nag-co-condo nalang.

Hindi ako nahirapan sa paghahanap ng dorm dahil scholar naman ako at isa pa sinabi ko rin sa kanila na galing pa ako sa probinsiya at iyon ang mga priority nila.

Malaki ang unibersidad na ito at kumpleto. Nakaka-proud lang na dati naririnig ko lang ito sa probinsya at marami ang nangangarap na makapasok at makapag-aral sa unibersidad na ito. Pero ngayon 'andito na ako sa loob mismo ng UP.

------------------------------------------------------
Ang init-init dito sa manila habang naglalakad ako. Naghahanap ako ng puwede kong mapasukan na trabaho.
Lima na ang nasubukan ko, pero rejected parin.

Umupo muna ako at nagpahinga, buti nalang pala nagbaon ako ng maraming tubig. Nagugutom na ako pero naisip ko na 'pag gagastusin ko ang pera ko. Baka wala na akong pamasahe pauwi.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon