Chapter 20.
Kinabukasan maaga akong nagising para sa date namin ni Brett. Inaya ko kasi siya kahapon bago niya ako iuwi sa dorm ko.Ako na ang nagyaya kahit ako ang babae. Asa pa ako na yayayain niya ako, mamumuti lang ang mata ko sa kahihintay sa wala.
45 days lang ang ibinigay niya sa akin kaya susulitin ko ito. Ma-inlove man siya o hindi atleast nasulit ko yung 45 days na binigay niya sa akin, diba? Martir yarn.
Medyo hindi na ako lugi don. Pero real talk lang kapag hindi pa siya na-inlove sa akin ng 45 days aba'y ang tigas ng puso niya kasing tigas ng- never mind. Pero totoo ipa-pa-kidnap ko na talaga yung lalaking iyon kapag hindi pa main-love sa akin.
Charot! Wala akong pambayad sa mga tauhan, ganda lang.
Alas singko ng madaling araw gising na agad ako kahit alas otso pa yung napagkasunduan namin. Talagang ginising ko pa ang natutulog na si Kiara para magpatulong na ayusan ako ng bongga.
Masama ang tingin sa akin ni Kiara pagkatapos ko siyang gisingin. Siguro kung nakakamatay lang yung tingin kanina pa ako bumulagta rito. Ang laki ng eyebags niya para siyang sinuntok.
'Puyat pa naman 'to. Sorry Kiara, okay lang yun mahal naman kita'
"Kung 'di lang kita kaibigang babaita ka. Walang sisihan ha kapag umiyak ka ng isang drum na tubig," pagpapa-alala niya sa akin na may kasamang banta.
Nung nalaman niya kasing ginamit lang ako ni Brett para pagselosin si Kristy, grabe na ang hate niya sa team#Nobre. Kung dati halos itulak niya ako kay Brett ngayon halos isako na niya ako sa tuwing nandiyan si Brett malapit sa akin.
Alam kong kating-kati na ang dila niya na sumbatan si Brett pero dahil nirerespeto niya ang desisyon ko, nanahimik na lang ito at isa pa kapatid ito ni Celine na kaibigan niya rin.
Pero ang inaalala ko si Kristoff galit parin ito sa akin hanggang ngayon. King ina pati kaibigan kailangan naring suyuin.
Ba't kasi wala pang lovelife 'tong mga 'to? Yung akin tuloy napagdidiskitahan. Nagalit si Kristoff sa akin nung tinanggap ko ang deal ni Brett na 45 days.
Matapos sabihin ni Brett ang deal umalis na agad ito pero nagulat ako dahil sa di-kalayuan nakita ko si Kristoff na seryosong nakatingin sa akin.
Mukhang narinig niya lahat ng mga pinag-usapan namin ni Brett at hindi siya natutuwa sa mga narinig niya. At sa palagay ko rin narinig niya ang away namin ni Brett sa clinic. Dahil nabanggit niya ito nung nakipagtalo siya sa akin tungkol sa deal namin ni Brett.
Sabi niya pa matalino naman raw ako pero bakit ang bobo ko sa pag-ibig. Syempre na hurt ako dun pero medyo true naman. Re-rebat sana ako para makabawi pero ang gonggong nag walk-out agad.
'Galit na galit sa manloloko pero babaero'
Next time ko na lang siya suyuin. Si Brett priority ko ngayon, 'pag may time ako reregaluhan ko si Kristoff ng bulaklak, bulaklak para sa mga patay. Masyadong bitter sa lovelife ko eh.
Pero di ko sila masisisi ni Kiara. Pamilya na ang turing namin sa isa't-isa lalo na ang mga iyon sa akin dahil walang pamilyang natira sa akin, lahat iniwan ako.
"Thank you!" masiglang sabi ko kay Kiara pagkatapos niya akong ayusan.
Casual blouse and jeans finished with feminine accessories and a natural makeup look. Perfect!
Syempre hiram ko lang lahat ng 'to kay Kiara. Charot! Syempre yung damit akin pero yung mga accessories at make-up sa kaniya.
I tie my hair back in a neat ponytail, leaving a few strands of hair loose at the sides to frame of my face and soften the look.
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Novela JuvenilPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...