WHERE ARE YOU?

19 0 0
                                    

Part 34
Naririnig ko ang mga sinasabi nila, nararamdaman ko ang haplos nila sa akin at naririnig ko rin ang mga luhang pumapatak sa kanilang mga mata.

Si Brett bakit hindi ko pa naririnig ang kaniyang boses? Bakit hindi ko pa nararamdaman ang kaniyang haplos?

Didilat lang ako kapag na sa tabi ko na siya.

Dumaan ang araw, linggo at buwan pero ni anino ni Brett hindi ko maramdaman. Lalo akong nanghihina sa mga dumaang araw na wala siya sa tabi ko at hindi ko alam kong kailan ako tatagal.

"Ang gagong Stephen na iyon, bigla ba naman akong binitawan at iniwan sa ere nung maalala niya si Kiara, hahaha." nararamdaman kong may lungkot sa mga tawa ni Kristoff.

Naalala ko si Kiara pala, hindi ko na rin siya napansin gayong parehas kaming nakatali non. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mawala si Kiara dahil sa kapabayaan ko at lalo na ngayon na hindi ko parin naririnig ang kaniyang boses.

Gaya ni Brett hindi niya rin ako dinadalaw. Pero dahil sa narinig ko mula kay Kristoff na nasa maayos na kalagayan na si Kiara, gumaan ang pakiramdam ko.

Naririnig ko na naman ang mabibigat na iyak ni Kristoff. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyak niyang iyon dahil na sa maayos na naman na kalagayan si Corrin.

Sa katunayan niyan dumadalaw rin ito sa akin kasama si Stephen at Celine. Basang-basa na naman ang braso ko dahil sa patak ng kaniyang mga luha. Hindi niya ba alam na naririnig ko siya at lalo akong nanghihina sa mga iyak niya.

"I-i'm sorry nory, I'm so sorry! T-this is my fault," naramdaman kong tuluyan nang napayuko si Kristoff.

Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay sabay yakap niya rito. Doon siya umiyak ng umiyak.

'Hindi ko na kaya 'to!'

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Medyo nanlalabo pa ang mga ito.

"T-tope," tawag ko rito.

Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang ulo at nanlaki pa ang mga mata niya.

"T-tubig," sambit ko rito at nakatulala parin ito sa akin hanggang ngayon.

Napangiwi ako sa sakit nang sinubukan kung igalaw ang aking katawan.

"Tubig," ulit ko sa kaniya.

Natauhan naman agad ito at dali-daling nagsalin ng tubig sa baso. Maingat niya akong inalalayan sa pag-inom ng tubig.

Pagkatapos kung uminom ng tubig ibinalik niya agad ang baso sa lamesa. Inalalayan niya muna akong iangat ng kaunti ang aking katawan bago siya maupo sa tabi ko.

"O-okay ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo? Anong gusto mo?" sunod-sunod niyang tanong sa akin at tila natataranta pa ito.

"Ayos lang ako. Nasaan si Brett?" tanong ko rito.

"Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?" hindi nito sinagot ang tanong ko.

"Hindi pa ako gutom. Nasaan si Brett?" Tanong ko ulit sa kaniya.

Natahimik ito at nag-iwas ng tingin sa akin.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon