Chapter 23.
Unti-unting kong minulat ang aking mga mata nang mapansing parang may humahaplos sa pisngi ko. May nakita akong gulat at tuwa sa mukha niya nang makitang gising na ako."How are you feeling?" tanong niya sa akin.
Sumenyas ako sa kaniya ng tubig dahil parang hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa tuyong-tuyo kong lalamunan.
Agad naman siyang kumuha ng tubig at pagkatapos ay inalayan ako sa pag-inom ng tubig.
"Thank you," ngumiti ako sa kaniya.
Umupo siya sa gilid ko. Nahihiya akong tignan siya dahil sa nasabi ko sa kaniya. Ano ba kasing nakain ko at naisip ko ang salitang break? Ngayong nahimasmasan na ako ay ngayon lang din ako nakaramdam ng takot na baka totohanin niya yung sinabi ko.
"Don't ever do that again," nilingon ko siya at seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
Alam ko na ang tinutukoy niya ay ang pagsugod ko basta-basta sa nasusunog na bahay.
"I'm sorry but I'm not regretting it."
Umigting ang kaniyang panga.
"What if you die? What if you can't get out both Kiara?"
"Pero hindi naman ako namatay."
Napapikit na lang siya dahil sa sinabi ko.
"Hindi ko puwedeng hayaan na lang si Kiara na mamatay. Hindi ko lang siya basta kaibigan, pamilya na ang turing ko sa kanila ni Kristoff."
Hindi siya umimik sa sinabi ko. Kaya inabot ko ang kamay niya at hinawakan ito. Napatingin siya sa kamay naming dalawa.
"Oi concerned siya. 'Wag mo sabihing inlove kana?"
Nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa akin. Tinanggal niya ang kaniyang kamay na nakasiklop sa kamay ko.
"H-hindi ah," sabi niya na umiwas pa ng tingin.
"Sabi mo eh. So hindi ka magseselos kapag..." binitin ko ang sasabihin ko at tinignan ang reaksiyon niya. Napatingin din siya sa akin at inaantay ang sasabihin ko.
"Nevermind wala ka namang pake kahit gawin ko 'yon."
"A-anong gagawin mo?" tanong niya sa akin.
'Wala akong gagawin. Uto-uto'
"Chismoso. Wala, subuan mo na lang ako. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko," sabi ko sa kaniya na tinutukoy ay ang mga pagkain sa lamesa.
Bigla naman siyang sumimangot.
"Ano nga?" masungit niyang tanong sa akin.
Hindi ko siya pinansin at ako na lang ang nag-abot ng pagkain sa lamesa. Sinubuan ko na rin ang sarili ko. Asa pa ako na susubuan niya ako.
Nakita kong mas lalo siyang nainis sa ginawa ko. Yung mukha niya hindi na maipinta.
Magtatanong pa sana siya pero inunahan ko na agad ito.
"Nasaan sila Kiara?" tanong ko sa nakabusangot na mukha ni Brett.
"Nasa kabilang room lang. Gising na siya at kasama niya ang lalaking pancit canton ang buhok," nakasimangot parin siya sa akin.
Mahina akong napatawa dahil sa bansag niya kay Kristoff.
"Kristoff ang pangalan niya," sabi ko sa kaniya ng natatawa
"I don't care."
'Oh bakit parang may galit siya kay Kristoff?'
Kahit nakabusangot ang mukha, inalalayan niya parin ako sa pagtayo hanggang sa makapunta na ako sa kwarto na sinasabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/283981487-288-k716259.jpg)
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Novela JuvenilPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...