Chapter 10.
"Sabihin mo na kasi ang totoo, promise wala akong pagsasabihan kahit si Kristoff pa iyan. May nangyari ba sa inyo ni Brett?" pangungulit sa akin ni Kiara.Kanina niya pa ako tinatanong at kinukulit pero ayaw niyang maniwala sa akin na walang nangyari sa amin ni Brett.
Pagkagising ko sa umaga ay inaya na agad ako ni Brett na mag-almusal para maihatid na niya kaagad ako.
Halatang gusto na niya akong paalisin sa pamamahay niya. Aalis naman talaga agad ako doon kung hindi lang niya ako inayang mag-almusal muna.
Hindi na rin niya ako kailangang ihatid dahil kaya ko naman ang sarili ko. Pero dahil nag-insist siya, syempre pumayag na ako kasi maliban sa walang hassle tipid na rin sa pamasahe.
"Ara puweda ba kung hindi ka naman maniniwala sa sasabihin ko, please lang 'wag ka nang magtanong sa akin," pagod kong sabi sa kaniya.
Nag-pout nalang siya at hindi na ako kinulit. Mabuti naman, kanina pa kasi ako naririndi sa boses niya para siyang sirang plaka paulit-ulit na lang.
------------------------------------------------------
Nasa cafeteria kami ngayon nila Kristoff at Kiara habang pinag-uusapan ang nangyari sa amin sa party.Akala ko makakatakas na ako kay Kristoff pero kinukulit din niya ako tungkol sa nangyari sa amin ni Brett.
"Grabe bes ang gwapo niya talaga, kaso kahit anong pagpapa-cute ko hindi niya ako pinapansin," sabi ni Kiara habang ngumunguya ng pagkain. Tinutukoy ang lalaking nakita niya sa birthday party ni Ms. Kissy
"Don't talk when your mouth is full. Wala ka bang manners?" saway ni Kristoff kay Kiara.
Nginuya muna ni Kiara ang pagkain gaya ng sabi ni Kristoff sa kaniya bago nagsalita.
"Oo na po, Mr. waiter," sabi ni Kiara na nakangisi.
Sinamaan kaagad siya ng tingin ni Kristoff at parang sinasabing 'subukan mong magsalita kun'di papasabugin ko 'yang bungo mo'
Kumunot ang noo ko. Wait! I smell something fishy!
"Mr. waiter?" nagtataka kong tanong.
"You know what? There is a girl sa party na pinag-" hindi na natapos ang sasabihin ni Kiara nung pinutol na kaagad ito ni Kristoff.
"Shut up Kiara!" pinandilatan siya ng mata ni Kristoff.
Magtatanong na sana ulit ako pero hindi na natuloy nung nahagip ko sa paningin si Brett.
Ang gwapo niya ngayon sa suot niyang black denim jacket na pinaresan ng black pants, white sneakers at blue t-shirt sa loob ng denim jacket.
Nagtaka ako kung bakit papunta siya sa lamesa namin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin din sila Kiara at Kristoff.
"Nalimutan kong ibalik 'to sayo kahapon," may nilapag siyang paper bag sa lamesa.
Tumingin muna ako sa paligid at nakita kong halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin.
"S-sa akin ba'to?" napapikit ako dahil sa katangahan ko.
"Hindi. Sa kaniya talaga 'yan," sarkastikong sabi ni Brett sa akin, pagkatapos ay ibinigay ang paper bag sa tapat ni Kiara.
Nanlaki naman ang mga mata ni Kiara. Nakita ko si Kristoff na napapikit at mukhang gusto nang lumubog sa kahihiyan. Please po 'wag ngayon!
"T-talaga? Para sa 'kin 'to?" sabi ni Kiara na pulang-pula ang mga pisngi.
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Novela JuvenilPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...