Chapter 4.
"Brett! Sandali lang!" sigaw ko kay Brett habang hinahabol siya. Kanina ko pa siya tinatawag at hinahabol pero mukhang hindi niya 'ata ako naririnig.Ngayon ay huminto na siya at binalingan ako. "What? Anong kailangan mo?" iritang tanong niya sa akin.
Mukhang may hinahabol pa 'ata siya kaya siya nagmamadali. Magkasalubong ang kaniyang kilay at umiigting ang kaniyang panga. Di parin ako nakapagsalita dahil hinahabol ko ang hininga ko.
Hingal na hingal ako sa paghabol sa kaniya. Ang lalaki at ang bibilis kasi ng mga hakbang niya.
"Damn it! Your wasting my time," sabi niya sa matigas na Ingles.
Mukhang nauubusan na siya ng pasensiya sa akin kaya nagsalita na ako.
"S-sorry sa abala pero ibibigay ko lang sana yung gitara na naiwan mo sa rooftop," sabi ko sa kaniya sabay abot ng kaniyang gitara na nakasabit sa likod ko.
Nabawasan ang pagkasalubong ng kilay niya. "Thank you," sabi niya sa akin.
"Walang anuman," nakangiti kong sabi sa kaniya pero hindi na siya tumugon at tinalikuran na ako.
Nagsimula na siyang humakbang, ngayon ay patakbo na. Nagmamadali 'ata naistorbo ko pa. Mukhang may hinahanap.
------------------------------------------------------
"Nory tulungan mo naman ako mamaya sa math," bulong sa akin ni Kiara.Nasa library kasi kami nagreresearch sa mga assignment namin sa geology. Si Kiara naman ay nagrereview. Tumingin sa amin si Kristoff.
"Anong pinag-uusapan niyo?" bulong din ni Kristoff.
"Wala! 'Di ka kasali. Chismoso," medyo napalakas ang boses ni Kiara kaya tinignan kami ng masama ng librarian.
"Can you please low your voice. Nakakahiya!" pasigaw na bulong ni Kristoff.
"Tsk!" inirapan lang siya ni Kiara.
"Ara, tope, tumigil na kayong dalawa baka palabasin tayo rito," saway ko sa dalawa.
Tumigil naman silang dalawa at pinagtuonan na lang ng pansin ang kanilang mga ginagawa. Tumayo naman ako.
"Where are you going?" tanong sa akin ni Kiara.
"May hahanapin lang akong libro," sagot ko.
Pumunta naman ako sa bookshelf at hinanap ang libro. Nang nakita ko na ang hinahanap kong libro ay inabot ko kaagad ito.
Kaso nahihirapan akong abutin ito kasi nasa itaas pa. Ang liit ko kasing babae. Nakakainis! Napasinghap ako nang may umabot nito.
Hinarap ko ito at nagulat pa ako dahil ang lapit ng mukha niya sa akin. Ang tangkad niya pala kaya medyo nakatingala ako sa kaniya. Nakangiti na naman siya sa akin.
"Ito ba ang kailangan mo?" tanong niya sa akin.
Naaamoy ko ang hininga niya dahil malapit lang ang mukha niya sa akin. Ang bango at ang init ng hininga niya. Kinuha ko naman agad ito.
"Oo, t-thank you! Clifford tama ba?" nag-iwas agad ako ng tingin sa kaniya dahil ang lapit niya sa akin.
"I'm glad that you remember my name Leonora," nakangiting sinabi niya.
Singkit siya kaya sa tuwing ngumingiti siya sa akin ay nanliliit ang mga mata niya.
Namula ang pisngi ko dahil sa pagtawag niya ng buo kong pangalan.
Kaya yumuko ako para hindi niya ito makita. Nanliliit ako."Ang cute mo," natatawang sabi niya sa akin sabay gulo sa buhok ko.
Iniangat ko ang ulo ko at inayos ang buhok. Ngumiti lang ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Teen FictionPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...