Chapter 11.
"Kumapit ka," sabi ko sa kaniya nang maramdaman kong lumalayo siya sa akin."Paandarin mo nalang," inis na sabi niya sa akin.
"Sige, sabi mo eh," sabi ko sa kaniya ng nakangisi.
Bigla kong pinaandar ng malakas ang sasakyan at pagkatapos ay hininto agad.
Kaya napasubsob ang mukha niya sa likod ko at napakapit siya sa beywang ko."Damn it," mahina pero may gigil sa kaniyang boses. Mabilis niyang inalis ang kamay niya sa bewang ko.
"Sabi ko kasi sayo kumapit ka. Tsk, tsk, tigas kasi ng ulo," sabi ko sa kaniya at pagkatapos ay kinuha ang dalawang kamay niya.
Inilagay ko ang dalawang kamay niya sa beywang ko. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa tiyan ko at ang init ng hininga niya sa batok ko sa sobrang lapit niya sa akin.
"Paandarin muna bago ko pa maisipang tumalon sa sasakyan mo," masungit na sabi niya sa akin.
Walang ano-ano'y pinaadar ko nga ito ng mabilis. Alas tres na ng hapon ngayon at hula ko ay malapit ng mag-alas kwatro, kaya hindi na masyadong mainit ngayon.
Damang-dama ko ang hangin na nanonout sa balat ko. Ang sarap sa pakiramdam. Napahagikhik ako nang maramdaman ko na mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin.
"Baka mapisa na ako niyan!" sabi ko sabay halakhak. Medyo nilakasan ko ang boses ko dahil maingay ang motor ko.
Naramdaman ko nalang na lumuwag ang pagkapit niya sa beywang ko. Psh! Dapat pala 'di ko na inasar.
"Balik na tayo!" sigaw ni Brett.
"Yung kamay mo pababa ng pababa baka kung ano ang mahawakan!" pigil ang tawang sabi ko.
Naramdaman kong kinurot niya ang isa kong tagiliran. Hindi naman ito gaanong masakit sapat lang para sa mga batang makukulit.
"Aray! Ba't moko kinurot? Ang sakit kaya!" kunwaring naiinis na sabi ko kaniya.
Maya-maya ay naramdaman ko nalang na mahina niyang hinahaplos ang tagiliran kong nakurot gamit ang kaniyang hinlalaki.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko sa kaniya.
"I-ito? Wala! May dumi lang, i-inaalis ko," palusot niya at pagkatapos ay inalis na ang mga kamay sa bewang ko. Nawala angas ni Brett eh.
------------------------------------------------------
Pagkatapos bumaba ni Brett ay ako naman ang sumunod.Pagkaharap ko sa kaniya ay nginitian ko siya ng matamis pero sinimangutan lang niya ako.
"Wag ka nga sumimangot diyan. Swerte ka dahil ikaw ang kauna-unahang naka-angkas sa motor ko."
"Pake ko. 'Tsaka paano ako naging suwerte? Eh pinilit mo lang naman ako," sabi niya sa akin at pagkatapos ay tinalikuran na ako.
"Woi! For your information hindi rin ako nagpapa-angkas ng lalaki sa motor ko kaya suwerte ka pa rin!" sigaw ko sa kaniya pero tuloy-tuloy lang siya at hindi ako nililingon.
Bumuntong hininga na lang ako.
"Sungit," mahinang bulong ko.
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Roman pour AdolescentsPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...