CRYING IN THE RAIN

24 0 0
                                    

Part 35.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, ang puting kisame sa itaas ang una kong nakita.

"G-gising na siya," saad ni Corrin sa kanila kaya lahat sila ay agad nagsilapitan sa akin maliban kay Stephen na nakaupo lang at tinitignan ako.

"Are you okay?" labis na pag-aalala ang nakikita ko sa mukha ni Celine, mukha siyang pagod at animo'y parang walang lakas.

Umiwas ako ng tingin sa kanilang lahat. Ayaw kong sagutin ang tanong nila dahil alam ko sa sarili kong hindi ako okay at hindi na kailanman.

"Gusto kong makita si Brett," saad ko sa kanila nang hindi parin sila tinitignan.

"Wala na si Bre-,"

"Alam ko Clifford," agad kong pinutol ang anumang sasabihin ni Clifford sa akin.

Alam ko na ang nangyayari at hindi nila kailangang ipamukha sa akin. Narinig ko ang buntong hininga ni Clifford at nakita ko rin sa peripheral vision ko ang pagsenyas ni Clifford kay Kristoff na payagan na niya ako sa gusto ko.

Aalalayan sana ako ni Kristoff pero agad ko siyang pinatigil. "Kaya ko ang sarili ko," malamig kong saad sa kaniya.

Bumuntong hininga lang ito at pinabayaan na ako sa gusto ko. Ayaw ko munang magsalita, ayaw ko silang kausapin dahil sa tingin ko mawawalan ako ng lakas sa pakikipag-usap lang sa kanila. Gusto kong ibigay ang natitira kong lakas kay Brett.

Gaya ng gusto ng kalooban ko wala ni isa ang kumausap sa akin sa byahe. Tahimik kaming lahat at wala ni isa man ang gumagawa ng ingay.

Habang pinagmamasdan ko si Celine sa byahe. Natanong ko sa sarili ko paano niya nagagawang ngumiti at makipag-usap ng maayos sa lumipas na buwan, araw at taon sa aming lahat.

Paano niya napapanatiling matatag ang kaniyang sarili kasi kung babalikan ko ang mga nagdaang araw at buwan hindi mo mapapansin na may iniinda siyang sakit sa kalooban.

Gusto kong maging katulad niya pero alam ko sa sarili kong hindi ko kaya. Hindi ko kayang maging matatag at maging matapang dahil sa tuwing iniisip ko pa lang na wala na si Brett parang gumuguho ang mundo ko, nawawalan ng saysay ang buhay ko dahil siya ang buhay ko.

Gusto kong magalit sa kanila, gusto kong magalit kay Kristoff dahil sa dumaang buwan pinaasa nila ako, pinaasa nila akong makikita, makakasama at makakayakap ko pa si Brett.
Pinaasa nila akong nasa maayos na kalagayan si Brett. Pinaasa nila akong buhay pa si Brett.

Huminto na kami sa lugar kung saan nakalibing si Brett. Lahat sila ay nakalabas na at nakatingin sa akin kung kailan ako lalabas sa loob ng van. Parang gusto kong umurong, nagdadalawang isip ako kung kaya ko bang makita ang puntod ni Brett o hindi.

Pero kailangan kong magpakatatag kahit malabong magagawa ko iyon. Kailangan kong subukan hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga taong nagmamahal sa akin.

Unti-unti akong bumaba sa sasakyan kahit na parang ayaw ng mga paa ko. Habang naglalakad kami papunta sa paroroonan parang merong nakaposas sa mga paa ko at merong mabigat na bagay na pumipigil sa akin sa paglalakad.

Huminto kami sa lapidang itim na nakasilong sa malaking puno, ang puntod kung saan ako hinimatay. Ang puntod kung saan nakalibing ang pinakamamahal kong lalaki sa buong buhay ko. Ang lugar na kamumuhian ko sa ngayon.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon