Chapter 27.
"Anong pakiramdam ng hindi pinili?" nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko habang nililigpit ko ang mga gamit ko sa bag.Nang lingunin ko ito nakita ko si Kristy na nakangisi sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" tamad kong tanong sa kaniya bago bumaling ulit sa ginagawa ko.
"Hindi ba obvious? Iniinis ka," lumapit siya sa akin at pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko.
Inis kong tinabig ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.
"Hindi pa ba magaling iyang kaliwang braso mo?" nakangiti niyang sabi sa akin habang nakatingin sa kaliwa kong braso.
Kunot-noo kong tinignan ang kaliwang braso ko. Natatakpan ito ng makapal na manggas kaya imposibleng malaman niyang may sugat ako sa kaliwang braso.
"Paano mo nalamang may sugat ako rito?" seryosong tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin. Matagal bago niya nasagot ang tanong ko.
"Nabanggit sa akin ni Brett nung pinuntahan niya ako sa ospital."
Nagtagis ang bagang ko dahil sa sagot niya. Dahan-dahan ko itong nilapitan.
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya."Siguraduhin mong wala kang kinalaman sa mga nangyayari sa amin, dahil sa oras na malaman kong ikaw ang may pakana ng lahat... you're dead meat."
Bulong ko sa kaniya at pagkatapos ay nilampasan na ito.
------------------------------------------------------
Sinama ako ni Brett sa mansion nila, dadalawin daw niya si Mrs. Furie ang kaniyang ina. Kaarawan ng ginang at gusto ng ginang ay simpleng handaan na lamang.Ayaw pa pumayag ng mga anak niya na hindi ito engrande lalo na si Celine pero sa huli si Mrs. Furie ang nasunod. Inimbita rin niya si Kristoff at Kiara.
Susunod na lang daw yung dalawa. Nasa kotse ako ni Brett habang nasa likod naman si Celine. Nakisabay na ito sa amin.
Umuwi rin si David na galing sa probinsiya. Sa dipolog ito nag-iistay ngayon na nasa bahagi ng Mindanao.
'Nakita niya kaya room si papa o di kaya'y si Lanie?'
Nagulat pa ako nang pagpasok ko ay nakahanda na ang lahat. Nandoon na si Kiara at Kristoff. Nandoon rin ang lalaking parang pamilyar sa akin at katabi pa ito ni David.
Umupo ako sa tapat nila. Katabi ko si Brett sa kaliwa at si Celine naman sa kanan ko.
Pinakatitigan ko nang mabuti ang lalaking katapat ko.'Parang nakita ko na siya'
Tumingin ito sa akin pero saglit lang at umiwas agad ito ng tingin sa akin. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong siya si superman.
'King ina'
Naalala ko ang ginawa kong kalokohan sa kaniya. Siya yung sugar papa na nabingwit ni Kiara. Pero bakit hindi sila magkatabi ni Kiara at hindi man lang ito nag-uusap.
Napansin ko na lagi siyang nakatingin kay Kiara at Kristoff na kapwa naghaharutan. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay ni Brett na nasa binti ko.
Bahagya niya itong hinaplos at pinisil. Nakakakiliti.
"Bakit ka nakatingin sa kaniya?" bulong sa akin ni Brett na bahagya pang kinagat ang tainga ko.
Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa ginawa niya pero nagkibit-balikat lang ito. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Clifford na papunta sa amin. Kasama niya si Kristy na malagkit ang tingin kay Brett.
![](https://img.wattpad.com/cover/283981487-288-k716259.jpg)
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Novela JuvenilPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...