RAIN

38 3 0
                                    

Chapter 6.
Habang umaandar ang trysicle ni kuya napakunot ang noo ko nung napansin kong parang may nasagasaan kaming kong anong bagay.

"Malas naman!" iritang sabi ni kuyang driver.

"Bakit? Ano po'ng nangyari?" tanong ko.

"Na-flat-an po tayo ng gulong ma'am," napakamot sa ulo si kuyang driver.

"Po? Paano na po iyan?" medyo nataranta ako dahil ang lakas pa naman ng ulan.

"Pasensiya na po ma'am, pero sumakay na lang po kayo sa iba kahit 'wag niyo nalang po akong bayaran," sabi ni kuyang driver na parang nakokonsensiya.

"H-ha? Gano'n po ba?" nahihirapan kong tanong sa kan'ya

Nagulat nalang ako nang biglang umalis si kuyang driver sa trysicle at pumapara ng ibang trysicle. Pero dinadaanan lang siya.

"Kuya! Ano po'ng ginagawa niyo?" sigaw ko.

"Hinahanapan po kayo ng trysicle!" sagot niya at basang-basa na sa ulan.

Lumabas agad ako sa trysicle. Nabasa pa ako dahil wala akong dalang payong.

"Wag na po, kaya ko na 'to!" sigaw ko sa trysicle driver at tumakbo na papunta sa may silungan.

Basang-basa ang buong katawan ko at nanginginig na ako sa lamig. Buti nalang nakabalot ng plastic yung mga dala kong materyales kaya hindi sila nabasa.

May humintong itim na kotse sa harapan ko at ibinaba ang salamin ng bintana. Tinignan ko kong sino ito at nagulat ako nang makita ko si Brett sa loob.

"Get in," maikling sabi niya.

Tumingin-tingin ako sa paligid baka sakaling may iba siyang kausap. Pero wala naman akong nakikita. Ako ba yung kinakausap niya?

Nilingon at tinignan niya ako. "I said get in," pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.

Ako nga kausap niya. "Hindi na kailangan, papara na lang ako ng trysicle," sagot ko sa kaniya.

Nakita kong umigting ang kaniyang panga. Lalabas na sana siya sa kotse niya pero pinigilan ko agad ito.

"Oo na, sasakay na ako," taranta kong sinabi at pumasok na sa loob.

'Ang init ng ulo agad'

Napangiwi ako nang napagtanto kong basang-basa ako at nababasa ko ang kotse niya.

"Sorry nabasa ko pa kotse mo," sabi ko sa kaniya.

"It's okay, stop saying sorry, ako naman ang nag-insist na pasakayin ka dito sa kotse ko," sabi niya at may kinuha sa likod.

May inabot siya sa 'kin na tuwalya at damit na kulay puti. Nagtataka ma'y kinuha ko ito sa kaniya.

"Anong gagawin ko rito?" tanong ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako at sumimangot.

"Punasan mo sarili mo at magpalit ka ng damit," sabi niya sa akin.

"As in dito? Dito ako magbibihis? Sa loob ng kotse mo?" gulat kong tanong sa kaniya.

"Wag kang mag-alala tatalikod naman ako," sabi niya sa akin sabay talikod.

Nag-aalangan ma'y hinubad ko na kaagad ang damit ko at nagpunas. Tinignan ko siya nakatalikod parin siya sa akin hanggang ngayon.

Kaya sinuot ko kaagad ang damit na binigay niya sa akin. Malaki sa akin ang damit na binigay niya, hanggang tuhod ko 'ata ito. Pinatuyo ko rin ang buhok ko dahil basang-basa rin ito.

"Tapos na," maikli kong sabi sa kaniya.
Tinignan niya muna ang suot ko at pagkatapos ay nag-drive na.

Tahimik lang kami buong byahe at nakatingin lang ako sa labas. Hinatid niya ako mismo sa dorm ko.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon