Chapter 16.
"Sige na tanggapin muna ito," pangungulit ni Clifford sa akin na hanggang ngayon ay hawak parin ang ice cream at inilalahad sa harapan ko.Akmang tatayo na ako para iwanan siya pero hinawakan niya ako sa braso para pigilan.
"Please," pagmamakaawa niya sa akin.
Ang corny naman. Pero sa huli wala akong nagawa kundi pagbigyan siya at samahan siya rito.
Napangiwi ako dahil sa mga sugat niya sa mukha. Mukhang napuruhan talaga ni Brett. Bakit kasi ayaw lumaban?
"Bakit ka umiiyak?" tanong sa akin ni Clifford habang ngumunguya ng chips.
May chips pala siya, bakit 'di na lang 'yon ang binigay. Char, choosy pa.
Dinilaan ko muna ang ice-cream bago nagsalita. Wow vanilla, alam na alam na talaga yung favorite flavor ko.
"Kasi hindi ako tumatawa."
Bumuntong hininga muna siya bago ako harapin. Binigyan niya ako ng pilit na ngiti at pinanliliitan ng mata.
Pikon. Yun pa nga lang ang ginagawa ko para mananakit na.
"Buti no? Walang tumatahi niyang bibig mo," 'di ko alam kung concern ba ito o sarcastic lang.
Habang kumakain ako ng chips(sa wakas inalok niya rin ako ng kinakain niya). Napahinto ako sa pag-nguya dahil sa di-kalayuan dumaan ang pamilyar na bulto ng lalaki na naka-suot ng white coat for doctors.
Lakad-takbo ang ginagawa nito, mukhang nagmamadali. Frustrated na frustrated din ang mukha nito parang nagbuhat ng apat na sakong bigas.
"Wait, si David ba iyon?" gulat na tanong ko kay Clifford at bumaling pa sa kaniya
"Oo," mahinang sabi niya sa akin at tinignan niya pa ako na parang nawewerduhan siya sa akin. "Bakit gulat na gulat ka?" tanong niya sa akin.
"Naka-white coat for doctors sa loob ng eskuwelahan? Mukha ba itong ospital?"
Nakita kong akmang babatukan ako ni Clifford pero pinigil niya rin sarili niya. Lukot na lukot ang mukha niya at sa klase ng tingin niya sa akin parang gusto na niya akong isako.
"Nagmamadali mukang may emergency. Ikaw ba kapag nalaman mong papatayin na isa sa pamilya mo, magbibihis ka pa ba?"
"Doctor pala iyon?" pag-usisa ko.
"Oo, pero baguhan pa lang," nag-isip-isip muna siya bago ulit nagsalita. "Isa siyang surgeon sa Diliman Doctors Hospital."
Sabay kaming napatayo ni Clifford nang nakita namin parehos si Brett na karga-karga si Celine.
Kasunod niya si David na mukhang nagmamadali at galit na galit ang mukha.
Duguan ang damit nila parehos at mukhang galing yun sa katawan ni Celine.Sa di-kalayuan natanaw ko rin si Kiara na umiiyak at si Kristoff na pinapatahan siya. Naunang tumakbo si Clifford sa akin papunta sa kinaroroonan nila Brett.
Tumakbo rin ako papunta kila Brett para malaman kung ano ang nangyayari. Akmang hahawakan na sana ni Clifford sa kamay si Celine pero sinamaan siya ng tingin ni Brett at inilayo sa kaniya si Celine.
Nakita kong kumuyom ang kamao ni Clifford dahil sa ginawa ni Brett. Akala ko mag-aaway na naman sila, mismo sa harapan ng walang malay na si Celine pero laking pasalamat ko nung pinakalma ni Clifford ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Teen FictionPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...