SAVE

26 3 0
                                    

Chapter 22.
Agad kaming pumunta sa lugar na sinasabi ni Clifford. Si Brett ang nagmamaneho ngayon at nagpapasalamat ako na hindi nakisabay ang traffic sa problema ko.

Abot-abot ang kaba ko nang makarating na kami sa lugar na sinasabi ni Clifford. Maraming bumbero ang nandito at nagkakagulo ang ibang tao. Marami ring nakiusyo at meron ding nag-vi-video pa.

Nakita ko si Clifford na pinapatahan si Celine. Unang tapak ko pa lang dito rinig na rinig ko na ang hagulhol ni Celine. Nang makita ni Celine ang kapatid agad siyang tumakbo rito at yinakap ang kaniyang kuya.

Pilit na pinapatahan ni Brett ang iyak ng iyak na si Celine gusto ko mang patahanin ito pero maging ako ay nanlambot nang makita ang kulay berdeng bahay na nasusunog.

Ito ang bahay naming tatlo na pinag-ambagan pa namin para lang mabuo ito. Dito kami laging tumatambay at pumupunta sa tuwing kailangan namin ang isa't-isa.

Parang gumuho ang mundo ko habang nakatanaw sa bahay na pinaghirapan namin na unti-unting kinakain ng apoy.

Pinunasan ko ang luha ko at pagkatapos ay humarap kila Brett at Clifford na pilit pinapatahan si Celine.

"Nasaan si Kristoff at Kiara?" seryosong tanong ko kay Clifford.

Napatingin ang tatlong pares ng mata sa akin.

"Si Kristoff na sugod nasa hospital," sabi ni Clifford nang hindi makatingin sa akin.

"S-si Kiara," pilit kong inaayos ang boses ko kahit halata na ang panginginig dito.

Naging mailap ang mata ni Clifford sa akin at narinig ko ang lalong paglakas ng iyak ni Celine. Wala akong marinig na sagot mula kay Clifford kaya alam ko na ang nangyayari. Nagtangis ang mga ngipin ko.

'Si Kiara. Tang ina!'

Tatakbo sana ako papunta sa bahay na nasusunog pero agad din akong pinigilan ni Brett sa braso. Seryoso ang kaniyang mukha habang nagbabanta naman ang kaniyang mga mata.

"Hindi ko gusto ang iniisip mo," seryosong sambit sa akin ni Brett na ngayon ay bumitiw na sa pagkayakap kay Celine.

"Bitawan mo ako," mariin kong sambit kay Brett.

"Nory 'wag mo nang subukan pa. Hindi ka rin papayagan ng mga bumbero rito," pagpapakalma sa akin ni Clifford dahil taas baba na ang aking dibdib dahil sa halo-halong emosyon.

"Ano ba bitawan niyo ako! Kailangan ako ni Kiara!" pilit akong pumipiglas kay Brett na ngayon ay yinayakap na ako.

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko sa mata. Dinaluhan narin ako ng mga bumbero dahil sa pagwawala ko. Pilit nila akong pinipigilan.

"I'm sorry," ang seryosong mukha ni Brett ay biglang lumambot dahil sa mga luhang umaagos sa pisngi ko.

"Tang ina niyo! Bakit wala kayong ginagawa?" napapaos na ang boses ko kakasigaw at napapagod narin ako sa kakapumiglas mula sa mga braso ni Brett.

"Bitiwan mo ako Brett kundi makikipag-break ako sayo," banta ko sa kaniya habang lumuluha.

Mula sa malambot na ekspresyon ni Brett nakita kong umigting ang kaniyang panga at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

Nanghihinang napaupo ako dahil sa pagod ng katawan ko kakapumiglas. Hanggang sa pag-upo ko hindi parin niya ako binibitawan. Nakaalalay siya sa akin dahil parang mawawalan na ako ng malay anumang oras.

'Si Kiara! Mawawalan na ako ng bait habang lumilipas ang oras'

May biglang malakas na pagsabog mula sa likuran namin dahilan kaya napabaling ang atensiyon nila roon. Si Brett naman ay napalingon din doon pero hindi parin ako binibitawan kaya lang medyo lumuwag ang hawak niya sa akin dahilan para makatakas ako.

Mabilis ang pagtakbo ko para makapasok lang doon. Narinig ko ang malakas na pagtawag ni Brett sa akin. Narinig ko ring pinipigilan siya ng mga bumbero, mukhang susundan pa 'ata ako.

"Nora! Tangina!"

"Fuck you! Bitawan niyo ako!" narinig ko ang sigaw at pagpupumiglas ni Brett sa mga bumbero at kay Clifford.

Hindi ko na pinansin ang pagwawala at pagsisigaw ni Brett sa labas. Hinanap ko na agad si Kiara. Sobrang laki na ng apoy rito sa loob. Para akong malalagutan ng hininga dahil sa mga makakapal na usok.

Pilit kong iniiwasan ang mga apoy at mga nagbabagsakang gamit na tinubuan narin ng apoy. Tiniis ko ang hapdi ng apoy sa balat ko. Malapit lang ang mga apoy sa akin kaya para narin akong nasusunog sa sobrang hapdi.

Nang matapag-gumpayan ko ang paghahanap kay Kiara agad ko itong inilalayan sa pagtayo at isinakbit ko ang ang kaliwang kamay niya sa batok ko. Hinang-hina ang kaniyang katawan at puro galos narin ito.

"N-nory," nanghihinang sambit niya sa akin. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya pero iniwas ko lang ang mata ko sa kaniya.

Kahit na parang babagsak ang katawan ko dahil sa panghihina pilit ko paring hinanap ang daan palabas. Sobrang kapal na ng usok kaya medyo nahihirapan ako.

Natulak ko si Kiara dahil sa papabagsak na kahoy sa amin. Naiwasan ko ito pero nadaplisan ang kaliwang braso ko kaya dumudugo ito.

Pinilit kong makatayo pero parang ayaw gumalaw ng mga paa ko. Namamanhid ang mga paa ko. Naiiyak na ako sa sitwasyon namin. Isa pa sa pinoproblema ko itong braso kong walang tigil sa pagdurugo.

'Hindi puwedeng ganito na lang'

Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay dahan-dahan kong ginalaw ang mga paa ko. Kinondisyon ko ito at nang gumagalaw na ito. Dahan-dahan akong tumayo.

"Kiara gising *cough*," mahina kong tinapik-tapik ang pisngi ni Kiara pero hindi ito gumagalaw.

'Palaki na ng palaki ang apoy. Kailangan na naming makaalis dito'

Gaya ng kanina isinakbit ko ang kaliwang braso ni Kiara sa batok ko. Mahina lang ang mga hakbang ko dahil sa mahina pa ang mga paa ko at nabibigatan rin ako sa katawan ni Kiara.

Naririnig ko ang mga sigaw ni Brett at pagwawala niya ibig sabihin malapit na kami sa pintuan. Malapit na kaming makalabas kunting tiis na lang.

'King ina sumisigaw parin siya hanggang ngayon? Hindi ba siya mawawalan ng boses niyan?'

"Kuya! 'Wag mo silang saktan!" rinig ko ang sigaw ni Celine kay Brett.

'Oh akala ko ba umiiyak 'to?'

"Tang ina naman Brett. Hawakan niyo siya!" si Clifford.

'Good boy nagmura? Bago yun ah'

Napatawa na lang ako kahit na puro dugo at galos na ang katawan ko.

'Sa wakas'

"Ayan na sila!" sigaw ng bumbero pagkakita sa amin.

Tinignan ko ang mga bumberong nakapalibot kay Brett.

'Bakit may mga pasa 'tong mga to?'

Lahat sila ay napatingin sa amin. Ang nagwawalang Brett ay biglang napatigil. Agad nila kaming dinaluhan. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata ni Brett.

May galit, takot, pag-alala at saya akong nakikita sa mga mata niya. Posible pala iyon. Agad niya akong yinakap ng mahigpit pagkalapit pa lang sa akin.

Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ako sa mga bisig ni Brett. Buti na lang nasalo niya ako. Ang nag-aalala niyang mukha ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon