Chapter 28.
Nandito kaming lahat sa malawak na garden maliban kay Mrs. Furie na umakyat na sa taas upang magpahinga.Mayroong dumating kanina na mag-asawa. Personal nitong ibinigay ang regalo kay Mrs. Furie at sa palagay ko ay magulang ito ni Corrin dahil tinawag niya itong mommy at daddy.
Sa palagay ko rin ay hindi lang ang regalo nito ang sadya dahil narinig kong may pinag-uusapan sila. Umalis agad ako dahil hindi ko naman ugali ang mangusisa.
May isa ring late na dumating pero nakasabay naman namin siya sa dinner. Pinsan daw ito ni Kristy at hindi na ako nagtaka na kilala rin ito ni Mrs. Furie. Hindi gaya ni Kristy mukhang mabait ito.
Maayos din ang pakikitungo ni Mrs. Furie sa pinsan ni Kristy. I think her name is Jelly? Jenny? Fuck! Ewan, basta j ang simula ng pangalan niya.
Si Kristy ang nag-suggest na maglaro kami ng truth or dare sa malawak na garden. Ayaw ko sanang sumali pero alam kung kukulitin lang ako ni Kiara dahil gustong-gusto niya ang ganitong laro. Bawal daw ang kj.
Mayroong dalawang malaking box sa gitna namin na gawa sa salamin. Sa loob nito maraming naka-roll na papel. Sa isang kahon ay nakasulat doon ang pangalan namin samantalang sa isa, kailangan lang naming bumunot doon at gawin kong anong nakasaad sa papel.
Si Kiara ang unang nagpaikot sa mahabang stick. Excited pa ang gaga. Napangisi ako ng tumapat ang bilog ng stick sa kaniya at sa akin naman ang patulis.
Ibig sabihin siya ang taya.
Pumalakpak naman ang gaga dahil siya ang napili. Game na game talaga sa mga ganitong laro. Tignan lang natin, ngumisi ako ng nakakaloko sa kaniya.
May palatandaan ako kung saang papel nakalagay ang pangalan ni superman. Nilagyan ko yun ng red mark habang hindi sila nakatingin kanina.
Hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging loyal. Sometimes we have to cheat to please ourselves.. Charot lang! Baka iba pang-intindi ng others. Nakakatamad mag-explain.
Hindi ko tinanggal ang eye contact ko kay Kiara. Andoon pa rin ang ngisi kong nakakaloko sa kaniya. Napansin kong unti-unting nawala ang ngiti ni Kiara. Gotcha!
"Stephen Trump? Who's Stephen Trump?" maang-maangan kong tanong, inilibot ko pa ang mga mata ko para mas kapani-paniwala ang acting ko.
Itinuro ni Kristoff si superman. Ang lakas ng loob ng gago. Tignan lang natin kapag lumpuhin ka niyan, kanina ka pa dikit ng dikit kay Kiara. Kulang na lang maglampungan kayo riyan. Tsk tsk tsk.
"Oh! Ikaw pala," saad ko. Nakita kong umikot ang mga mata ni Kristoff.
Tinignan ko ang mukha ni Kiara. Oh, bakit parang humigop ito ng suka. Bumunot ako sa kabilang kahon. Mas lalong nagdiwang ang kaloob-looban ko nang makitang dare ito.
"Kiss his/her neck," pagbabasa ko sa papel. Nakita kong lumaki ang mga mata ni Kiara, hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Woah! Dalaga na ang baby ko!" hiyaw ni Kristoff. Parang gago talaga 'to.
Kanina parang papatay ngayon naman parang nanalo sa lotto. Ano kaya ginawa ni Corrin sa kaniya? O ang tanong, anong ginawa nilang dalawa ni Corrin kanina?
"Iinom na lang ako," sabi ni Kiara at akmang tutunggain na niya ang baso pero pinigilan ko ito.
"Opps we have rules," rules na si Kristy din ang gumawa.
Ang rules namin ay kung hindi gagawin ng prey(Kiara) ang dare niya, ang nabunot nang predator(Ako) na pangalan ang siyang gagawa sa kaniya.
It means babaliktarin natin, si superman na ang gagawa ng dare sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Teen FictionPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...