Chapter 24.
Nakita ko na naman siya. Nakamasid lang siya sa amin at handang umatake. May kutob ako na yung babaeng 'yon ang may pakana sa sunog. 'Wag lang talaga siyang magpapahuli sa akin ng buhay dahil babasagin ko ang mukha niya.Sa ospital ko siya nakita, naka-mask parin siya at hoodie na itim. Seriously hindi ba yun nagbibihis? Akma ko sana siyang habulin kaso dumating si Kiara at nung nilingon ko ulit 'to wala na siya.
Kumunot ang noo ko nang mag-ring ang cellphone ko. Sino naman ang tatawag ng ganitong oras? Kinuha ko ito at tinignan.
'Unknown number?'
Kahit nagtataka'y sinagot ko ito.
"Hello. Sino 'to?" tanong ko sa tumatawag.
Tahimik lang sa kabilang linya at ang narinig ko lang ay ang paghinga.
"Hello?" tanong ko ulit nagbabakasakaling sasagot ito.
Pero hindi parin ito sumasagot. Siguro pinagtitripan lang ako ng caller na ito. Akma ko sanang ibaba pero napatigil ako nang magsalita na ito.
"Five little monkeys jumping on the bed
One fell off and bumped his head" pakanta ito.Pero napaka-creepy niya kung magkanta. Mahinahon ito pero andon yung kilabot.
Hindi ako umimik at pinakinggan lang ito."Mama called the doctor and the doctor said
"No more monkeys jumping on the bed!"Bakit siya kumakanta ng ganito? Pinagkaitan ba siya ng childhood memories? Hindi ba siya minahal ng kaniyang mga magulang?
"Mica can you please sing for me," pagmamakaawa ng 8-yearl-old na bata sa kaniyang kapatid.
Mukhang kakambal niya ito dahil magkamukhang-magkamukha sila. Para silang pinagbiyak na bunga. Pero yung isa may nunal sa leeg.
Siguro 'yon ang palatandaan nila. "Okay," cute na sabi ng isang babae na nagngangalang Mica.
"Five little monkeys jumping on the bed
One fell off and bumped his head," mala-anghel ang boses ng babaeng nagngangalang Mica. Ang sarap pakinggan kahit sa murang edad niya nagagawa niyang kumanta ng ganun kaganda.Pinilig ko ang aking ulo dahil sa mga ala-alang bumabalik sa isipan ko. "Who are you?" tanong ko sa babaeng kumakanta.
"Find me," hindi nito sinagot ang tanong ko.
"Na-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang binabaan niya ako ng tawag.
'Bastos'
Wala pang isang minuto tumunog na agad ang cellphone ko.
+63947265489
Meet me. ~photos~Nag-send siya sa akin ng photos kung saan kami magkikita. Umikot ang mata ko dahil sa kaartehan ng babaeng 'to. Ayaw na lang sabihin kung saan, papahirapan pa ako.
Sinilip ko si Brett sa kabilang kwarto na mahimbing ang pagkakatulog. Buti na lang dito ako natulog dahil pihadong hindi ako makakalabas sa mga oras na ito kung doon ako sa dorm natulog. May curfew kaya roon.
------------------------------------------------------
Isa itong abandonadong lugar at madilim sa parteng ito. Masangsang na amoy ang naaamoy ko rito. Anong masangsang na 'yon?
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Ficção AdolescentePerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...