Chapter 21.
"Pakisabi nga diyan sa katabi mo na isauli na yung hiniram niyang notebook sa akin. Last week pa yun ah," sabi ni Kristoff kay Kiara.'Tsk, isip-bata'
"Nawala ko," tamad kong sabi habang nilalaro ang pagkain sa harapan ko.
Hindi ko naman talaga ito nawala. Gusto ko lang siyang asarin dahil hanggang ngayon hindi parin niya ako pinapansin.
Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. Pati 'ata butas ng ilong niya nanlaki rin. Pero infairness gwapo parin kahit parang papatay na siya ng tao.
"This girl," gigil niyang sambit habang nakatingin sa akin.
Matamis ko lang itong nginitian na lalong nagpaasar sa kaniya. Maasar ka pa please! Akala niya hindi ko alam na may nakalagay na pangalan ng babae sa likod ng notebook niya.
'May pang-asar na rin ako sa kaniya'
Ano nga 'yon? Carren? Corrin? Ah nevermind. Tinaasan ko siya ng kilay pero inis itong nag-walk out. Edi mag-walk out ka.
Napansin ko si Kiara na parang wala sa sarili. Tahimik lang ito at parang kay lalim ng iniisip. Napapansin ko recently na tulala ito lagi at parang balisa.
Tinanong ko siya kung anong problema. Pero sabi niya wala naman daw. Masama ang pakiramdam ko rito pero hihintayin ko siyang sabihin sa akin kung anong bumabagabag sa isipan niya. Hindi ko naman siya puwedeng puwersahin na sabihin ang problema niya.
"Tara na," tatayo na sana ako pero hinawakan ni Kiara ang braso ko at pinaupo ulit.
"Bakit?" takang tanong ko sa kaniya.
Bumuntong hininga siya at seryoso akong tinignan.
"Nory nung mga oras na pinokpok sa ulo si Celine. S-sinong kasama mo non?"
Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya.
"Si Clifford. Bakit?" nagtataka ma'y sinagot ko parin ito.
Nakita kong tensyonado si Kiara at bahagyang nanginginig. Hinawakan ko siya sa kamay para pakalmahin ito.
"Nasaan si Brett nung mga oras na iyon?" seryosong tanong sa akin Kiara.
"Nasa labas ng room," parang may ideya na ako kung bakit niya tinatanong ang mga bagay na ito.
"S-si Kristy ba kasama niya?" nanginginig ang labi ni Kiara habang nakatingin sa akin.
"Oo."
"S-sigurado ka?" paninigurado niya sa akin.
"Oo, bakit? Anong problema Kiara? Sabihin mo sa akin," nag-alala kong tanong sa kaniya.
"W-wala. Tara na alis na tayo," hinawakan niya ako sa braso at hinila paalis doon sa cafeteria.
Tumigil kami sa may puno at hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. 'Okay, ang weird niya' may nakita akong pag-alala sa mga mata niya.
"Makinig ka sa akin. Gusto kong layuan mo muna si Clifford," seryoso ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"B-bakit naman? 'Di kita maintindihan."
"Basta sundin mo na lang ako Leonora. Para rin sayo 'to."
Bakit? May kutob na ba si Kiara kung sino ang may gawa non kay Celine? Sabagay nandoon siya sa pinangyarihan nung mga oras na pinukpok si Celine sa ulo kaya hindi na ako magtataka kung siya ang unang makaalam o makakilala sa babaeng pumokpok kay Celine.
BINABASA MO ANG
Something Just Like This
Teen FictionPerfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibitiw ka ba, o ipaglalaban mo pa, kahit sobrang sakit na. This story will prove to you that true love...