NOT YOUR TYPE

80 4 2
                                    

Chapter 2.
~Two years later~
Third year college na ako at ito ang unang pasukan sa taon na ito. Hindi na kami magkaklase ni Kiara sa taon na ito.

Pero okay lang yun dahil kaklase ko pa naman si Kristoff. Siya ang anak ng boss ko. Anak siya ng nagmamay-ari ng trabahong pinapasukan ko. Siya rin iyong bagong estudyante na tinuruan ko, 2 years ago.

Akala ko bobo matalino naman pala. Kailangan ko lang siyang turuan upang mahabol niya ang mga lesson namin. Ang dali ngang turuan minsan kinokorek pa ang bisaya accent ko.

Sabay kaming naglalakad ngayon papunta sa klase namin. Hindi kami masyadong nagmamadali dahil maaga pa naman.

"Buti na lang magkaklase tayo no? Kawawa naman si ara. HAHAHA!" tawang-tawang saad ni Kristoff.

"Tumigil ka nga diyan broccoli kaya mainit ang dugo sayo ni ara ey," iiling-iling kong sambit sa kanya.

"Crush lang ako no'n kaya mainit dugo sa akin," mayabang na saad ni Kristoff. Bigla nalang niya akong sinamaan ng tingin.

"Tigilan mo nga kakatawag sa akin ng brocolli, inggit kalang sa kulot kong buhok eh," sabay irap niya sa akin.

Tumawa nalang ako at iiling-iling. Totoong sa aming tatlong magkakaibigan si Kristoff talaga ang mabilis mapikon.

------------------------------------------------------
Habang nag-di-discuss ang professor namin. May biglang pumasok na lalaki. Tuloy-tuloy lang at walang pakealam.

"First day of school and you're late for class Mr. Furie," biglang saad ng professor namin.

Huminto sa paglalakad ang lalaki at binalingan si Ms. Macapagal. Nasa harapan namin siya at walang emosyon niyang tinignan si Ms. Macapagal.

"I'm sorry tita," tamad niyang saad. Kumunot ang noo namin at tumaas naman ang kilay ni Ms. Macapagal.

"I mean Ms. Macapagal," pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa kanyang paglalakad. Huminto siya sa gilid ko at pagkatapos ay umupo sa tabi ko.

Bakante kasi 'yon, nasa kabila ko naman si Kristoff. Kaya ako ang napapagitnaan nila. Bahagya niya akong nilingon saglit at tumingin nasa harapan.

Kumalabog ng husto ang puso ko. Naaapektuhan ako sa presensiya niya. Di ko malaman kong bakit.

Para kasing...

"Okay ka lang ba? Bakit parang tulala ka riyan?" bulong sa akin ni Kistoff. Ngumiti lang ako sa kaniya para iparating na ayos lang ako.

"Mr. Furie care to introduce yourself?" nakataas parin ang kilay ng professor namin.

Walang ganang tumayo ang lalaki.

"My name is Brett Furie
and you can call me whatever you want. I'm 23 years old. Transferee from Ateneo."

"So puwede ko siyang tawaging baby?" bulungan ng mga babae sa likod.

Nakita kong napapangiti at namumula ang mga pisngi ng mga kaklase kong babae. Sa bagay di ko sila masisisi. Parang greek god ang nasa harapan namin eh.

Matangkad siya hula ko nasa 6'4 'ata. Perpekto ang tangos ng kan'yang ilong. Maninipis at mapupulang labi. Pantay at makakapal na kilay. Kulay berdeng mga mata.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon