OFFICIALY YOURS

38 4 6
                                    

Chapter 13.
"B-be your girlfriend?" pag-uulit ko dahil baka na misheard lang ako.

Nakita kong tumango siya kaya tuluyang nalaglag ang panga ko.

Lumingon siya sa akin at parang binabasa ang nasa isipan ko. Inayos ko ang mukha ko at kumalma dahil nagmumukha akong tanga sa harapan niya.

Pero wait! Totoo ba 'tong nangyayari sa akin ngayon? Baka nananaginip lang ako.
Sinampal-sampal ko ang pisngi ko kung masasaktan ba talaga ako.

Pero nagulat na lang ako nang hawakan ni Brett ang pulsuhan ko upang pigilan ang kamay ko sa pag-akmang pagsampal ulit sa mukha ko.

"Stop hurting yourself, you look stupid," saway niya sa akin na nakasimangot.

Wow ah! Kanina lang nag-propose siya sa akin ng 'be my girlfriend' pero wala pang isang minuto ini-i-stupid na niya ako.

Pero wait...

"Angas mo ah. 'Be my girlfriend' talaga? As in period? Hindi 'Will you be my girlfriend? Na nagtatanong?" nakangiwing tanong ko sa kaniya.

Biglang namula ang kaniyang buong mukha. Gotcha! Napahiya ka no?

"Y-you like me. So does it even matter?" sabi niya sa akin na napapalunok.

"And what is your proof?" nakataas ang isa kong kilay sa kaniya.

He rolled his eyes to me then a playfull smirk appear on his fucking red lips. Damn I want to suck it...char joke lang!

Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya kaunting lapit pa ay maglalapat na ang aming mga labi. Lapit pa kaya ako kunwari may tumulak sa akin.

Char echos niyo.

"I can clearly see it in your eyes and gestures. The way you talked to me and the way you looked at me. It says you are in love with me, am I right? Hmm?"

"Assumero ka ah. Malay mo malisyoso ka lang talaga."

Nakita kong nairita siya sa sinabi ko kaya inilapit niya ang kaniyang mukha sa tainga ko at bumulong.

"Akala mo hindi ko alam yung mga kalokohan niyo ni Kiara."

Kumalabog ng husto ang puso ko dahil sa kaba kaya naitulak ko siya ng wala sa oras.

Napalunok ako kaya mas lalo siyang napangisi ng nakakaloko sa 'kin.

"A-nong pinag-"

"Anong balak niyo ni Kiara? Pa-inlovin ako sayo? At talagang nagpatulong ka pa sa iba para lang sa kalokohan mo."

Nag-pout nalang ako dahil bistadong-bistado na ako.

"Stop pouting," nakasimangot na sabi niya sa akin.

Ang daming arte ng lalaking ito. Pati pagpo-pout ko bawal na rin.

Akala ko tapos na siya sa panenermon niya sa akin pero nagulat na lang ako ng bigla siyang magsalita ulit.

"At ang hindi ko makalimutan sa lahat ay yung pagplano niyo ni Kiara na-ilock ang pintuan ng restroom para ma-trap tayong dalawa doon" sabi niya sa akin habang masama ang tingin.

"Shit we're locked" sabi ni Brett habang sinisipa ang pintuan ng c.r.

Nanlaki ang mga mata ko at umaaktong nagulat.

"Ha? S-sinong nag-lock?" taranta kong sinabi. Kinalabog ko ng kinalabog ang pintuan ng c.r. at pinagsisipa ko rin ito.

"Hello! Somebody help us!" sigaw ko na nagbabaka-sakaling may makarinig sa amin.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon