OVERLAP FORCE

25 1 0
                                    

Part 32.
Brett POV
Binalikan ko ang garden, nagbabasakaling doon ko sila mahahanap. Pero napahinto ako agad sa gilid ng pinto nang matanaw ang mga iilang armadong lalaki na pinupulsuhan ang tatlong lalaki na nakahandusay.

'Sino ang may gawa non?' Tanong ko sa sarili ko. Imposible namang si Kristoff dahil wala siyang nabanggit sa akin na may nakaharap siyang mga iilang lalaking armado.

Si Clifford, baka siya ang may gawa nito dahil imposible ring si Stephen ang gumawa nito dahil narinig ko ang tunog ng kotse  niyang papaalis kanina bago pa mamatay ang mga ilaw sa mansion.

'Dang it!'

Nakalimutan ko, pati pala sila Kristy, Corrin and her fiance ay nawawala. Napakuyom ang kanang kamay ko dahil kahit isa sa kanila ay hindi ko mahanap.

'Isa, dalawa, tatlo, apat at lima'

Lima silang armadong lalaki na nasa garden. Nakatayo ang isa sa kaliwa samantalang nakatayo naman ang isa sa kanan. May kausap sa telepono ang lalaking mas malaki sa kanila. Hindi ko ito masyadong marinig dahil masyadong mahina ang boses nila at may kalayuan din ako ng ilang metro sa kanila.

Samantala ang dalawa pang lalaki ay inaasikaso ang tatlong lalaking duguan.

May apat na throwing knife lang ako rito, nakuha ko ito sa living room kanina. Dumaan muna kasi ako roon bago rito. I had to hit them on the left cheek of their ass to make them unconscious.

Saktong nakatalikod sa akin ang dalawang nakatayong armadong lalaki. Sabay ko silang pinatamaang dalawa na hindi napapansin ng dalawang lalaking nakaupo na hanggang ngayon inaasikaso parin ang tatlong lalaking walang malay.

Napangisi ako nang sabay na humandusay ang dalawang lalaking pinatamaan ko. Lumipat ako sa kaliwa upang patamaan ang lalaking may kausap sa telepono, medyo malayo siya sa apat niyang kasamahan kaya hindi ako mahihirapan. Nakatalikod siya sa mga kasamahan niya at nakatagilid naman sya sa akin kaya kinakailangan kong lumipat sa kaliwa para matamaan siya sa kaliwang pisngi ng puwet niya.

Pinaikot ko muna ang throwing knife sa kanang kamay ko bago ibato sa lalaki. Tinignan ko ang dalawang lalaki na abala parin at hindi napapansin ang duguan nilang kasamahan.

Nahirapan akong patamaan ang isa sa kanila dahil parehas itong nakaupo nang paharap sa akin. Lumingon ako sa paligid ko, naghahanap ng isang maliit na bagay at nang may nahanap na ako ay dahan-dahan ko itong kinuha.

Ibinato ko malapit sa kanila ang maliit na bilog upang kunin ang atensiyon nila. Nagkatinginan ang dalawa at pagkatapos ay tumayo. Luminga-linga sila sa paligid upang hanapin kong saan nanggagaling ang bagay na iyon. Nang tumalikod ang isang lalaki para hanapin kung sino ang bumato ng bagay na iyon ay ibinato ko na kaagad ang natitirang throwing knife sa kaniyang puwetan.

Napalingon ang isa niyang kasamahan at nakita nito ang kaniyang pagbagsak. Ngayon lang din niya napansin na nakahandusay na ang mga kasamahan niya.

Nakita ko ang taranta sa kaniyang mukha dahil sa kaniyang nasaksihan. Nagtago agad ako nang lumingon ito sa gawi ko. Hindi ako puwedeng basta-basta na lang susugod dahil armado silang lahat at wala akong hawak na ibang sandata bukod sa throwing knife.

Nagpaputok ito sa gawi ko dahilan ng pagkabasag ng ilang vase sa loob at labas ng mansion. Tumigil na ang kaniyang pagpapaputok at naramdaman kong unti-unti siyang lumalapit sa gawi ko.

Nang makalapit na siya sa gawi ko ay inatake ko ito mula sa gilid bago pa ito makaharap sa gilid niya kung saan nandoon ako.

Mabilis kong kinuha ang baril niya sa kaniyang kamay at pagkatapos ay sinipa ko ito sa lukonlukon mula sa kaniyang likuran kaya napaluhod ito.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon