FINALE

34 1 0
                                    

Part 36.
"Leonora! Buksan mo itong pinto!" inis kong tinakpan ng malaking unan ang aking ulo dahil sa ingay ni Celine.

"Bibilang ako hanggang lima kapag hindi mo ito binuksan ipapasira ko itong pintuan mo!" naiinis ako dahil sa katok pa lang na ginagawa ni Celine sa pintuan ko ay sa tingin ko masisira na ito.

"Isa! Dalawa! Tatlo! Apat! Lim-," malakas na sigaw nito mula sa labas ng aking kwarto.

Inis akong tumayo upang pagbuksan siya ng pinto. "Anong kailangan mo?" asar na tanong ko sa kaniya.

"Look at your face! You look miserable," saad nito sa akin sa nakakarinding boses.

Tinalikuran ko ito at pagkatapos ay humilata ulit sa higaan. "Kung pagsasabihan mo lang ako huwag na. Stop wasting your saliva," tamad kong sabi sa kaniya habang tinatakpan ng unan ang ulo.

Marahas nitong tinanggal ang unan na nasa ulohan ko kaya napabuntong hininga ako sa ginawa niya. 'Ang kulit!'

"Hanggang kailan ka ganito nory? Pinapabayaan mo na ang sarili mo! Pati ang pag-aaral mo tinalikuran mo na rin," seryosong saad sa akin ni Celine.

Marami na ang sumubok na puntahan ako sa silid ko maging si Kristoff ay naiinis na sa akin.

"Graduated na kaming lahat ikaw na sa college ka parin. Ano bang dapat naming gawin sa iyo nory para matauhan ka."

"Huwag mo naman kaming pahirapan nory maawa ka sa amin. Sa tingin ko si Kristoff mauubusan na ng pasensiya sayo at kunting-kunti na lang kakaladkarin kana nun palabas."

Inalis ako sa dorm ko dahil sa hindi ko pagdalo sa paaralan kaya nag-rent na lang ako ng isang maliit na apartment. Natigil din ako sa aking pag-aaral. Lagi lang akong nakakulong sa kwarto at hindi lumalabas ng bahay.

Laging bumibisita rito si Corrin, Clifford, Kristoff at Celine at pamin-minsay nag-ii-stay sila rito. Si Celine nahawa na kay Kristoff sa pagiging mainitin ang ulo.

Si Clifford naman at Corrin ay tila parang mga anghel sa sobrang haba ng pasensiya na siya namang kabaliktaran nila Celine at Kristoff.

Lagi nila akong binubulyawang dalawa sa tuwing ayaw kong kumain samantalang mahinahon ako kung kausapin nila Corrin at Clifford.

Nagpapasalamat ako sa kanilang apat dahil kahit kailan hindi nila ako sinukuan. Hindi sila umalis sa tabi ko. Hindi nila ako pinabayaan kahit na sobrang tigas ng ulo ko.

Kasama si Kristy sa namatay dahil sa pagsabog ng bomba samantalang ang pinsan niya ngayon ay nakakulong. Gusto kong gumanti at patayin siya pero wala na akong lakas na gawin iyon dahil maging ang pagtayo ay kinatatamaran ko.

Niligtas ni Brett si Kiara nang mga panahong iyon kaya namatay si Brett at nakasama siya sa pagsabog ng bomba. Masakit isipin na isa rin si Kiara sa dahilan ng pagkamatay ni Brett dahil kung hindi niligtas ni Brett si Kiara sa tingin ko hanggang ngayon buhay parin si Brett at kapiling ko siya ngayon sa tabi ko.

Pero hindi ko puwedeng sisihin si Kiara sa nangyari dahil wala siyang kasalanan, biktima lang din siya ng mga kabaliwan ni Kristy. Natutuwa ako na buhay parin si Kiara hanggang ngayon, hindi niya kailangang umalis dahil hindi naman ako magagalit sa kaniya, wala siyang kasalanan sa nangyari.

Hindi niya ginusto ang lahat ng ito. Mas matutuwa ako kapag nandito siya sa tabi ko, karamay ko siya sa lahat ng hirap.

Sinubukan daw na iligtas ni Stephen si Brett pero bago pa siya makapasok sa loob ng building ay naganap na ang malakas na pagsabog.

Napag-alaman agad na siya ang bangkay dahil nakita nila ang singsing na palagi nitong suot na nakalagay sa sunog na daliri nito.

Hindi ko na rin makita si Stephen ngayon dahil gaya ni Kiara umalis din ito papuntang ibang bansa. Sa palagay ko ay hinahanap niya kung saang lupalop man nakarating si Kiara at hindi iyon titigil hangga't hindi niya nahahanap si Kiara.

Something Just Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon