Ngayung araw gaganapin ang feista dito, kaya maraming pa sound struck dito na subrang lakas. Sina Mama naman ay nag titinda ng mga inihaw sa kanyang pwesto.
Mamaya pa ako susunod sa kanila doon. Lumabas ako sa bahay at saktong pag labas ko ay ganon rin ang pag labas ng nasa tapat ng bahay namin.
Usap usapan nila wala na raw naka tira dyan? Matagal na raw kasi hindi naka uwi yung may ari. Hindi ko rin alam na may naka tira pala dyan nasa Manila kasi ako at walang balita kundi sa pamilya ko lang.
Sa pag lingon ko ay gano'n nalang ang gulat ko ng makilala kong sino ang may ari ng bahay na katapat namin.
Sila yung may ari?? Huwattttt?
"OMG kuya, Ate ganda is here! look!" Pasigaw na saad ni Cholo habangnka turo sa pwesto ko.
Namalik mata lang siguro ako ng makita kong napa ngisi ito ng bahagya.
Malabo na po yung mata ko. opo.
"Oh, you're here?" Ani ni Mr. Truaxwell.
Ngumiti akk at tumango.
"Yes, dito ako naka tira.""Ate Ganda, Who that little girl?" Salita agad ni Cholo. Limingon ako sa gate namin at nakita kong lumbas si Che Che.
Napa ngisi ako dahil mukang type nya yung kapatid ko.
"Who?" Naka ngisi kong tanong, na naka pag pangisi rin kay Mr. Truaxwell.
"A little one, yung kanina I know na nakita mo sya." Naka nguso nyang sabi na naka pag patawa saakin ng malakas.
"Kapatid ko yun. Sabihin mong crush mo sya!" Panunukso ko dito, na agad naman' namula at umiling iling pa ang ulo.
"No ate Ganda, hindi ko sya crush! I just want to be friends with her!" Depensa nya sakin.
"Sige, mag ku-kunwari nalang ako na naniniwala ako. Tara baka gusto nyong pumunta sa Plaza." Aya ko sa mag kapatid. Plaza ang tawag sa court namin at marami rin ngayun sila palaro bukod sa Liga ng barangay. Meron rin' palaro sa mga bata at minsan sa mga kagaya namin.
Nang nakarating kami sa court as usual marami talagang tao dahil Feista, siguro makiki Feista rin. Inaya ko sila na pumunta sa pwesto nila Mama.
"Ma!" Tawag ko rito. Agad naman syang napalingon saakin.
"Oh, mukang kasama mo sina Ijo, aba." Ani nya at minumukhaan siguro kilala nya ito.
"Opo Ma, sila po yung kapit bahay natin." Pag kwento ko.
Tumawa naman si Mama.
"Abay, kilala ko. Oo, sino naman ang hindi makakilala sa ganitong ka gwapo na lalaki? Tiyak akong marami na itong napa iyak na babae, ano?" Panunudyo ni Mama kay Mr.Sa walang dahilan sumakit ang puso ko ng maisip na marami na syang napa ibig na babae.
"Sino ka nga uli ijo? Minsan kana lang kasi pumupunta rito, kayu ng kapatid ko. Nakalimutan ko na. Malaki narin si Cholo oh, dati ako ang nag aalaga dyan hindi ko pa ipina nganak si Cheche!" Kwento nya pa. Lihim naman ako napa ngiti. Kaya pala hindi alam ni Cholo si Cheche kasi hindi nya naabotan.
"I'm Kyo. Just call me Kyo." Tipid syang ngumiti kay Mama.
"Oh, kita mo naman hindi lang ang muka yung gwapo! Pati pangalan!" Hindi maipag kaila ang pag ka mangha ni Mama sa mag kapatid.
Sa ganon kaming setwasyon habang nag k-kwentohan ng may tumawag sa pangalan ko.
"Ate Miles! Sama po kayo sa palaro namin! sama nyo narin si Kuya Pogi!" Galak nyang sigaw kaya na alanganin akong napa tingin kay Kyo.
"A-ahm. Ano Thea next time nalang baka kasi hin-" Naputol ako sa pag salita ng sumabat ito.
"Sure. What kind of game ba?" Nagulat ako dah pumayag ito.
"K-kyo? Ano, baka napilitan kakang ah. Pwede mo naman bawi-"
"It's okay."z
"Yung laro po is PAPER DANCE kayo po ni Ate ang nakita ng MC para maging representative ng Zone 3." Naka ngiting ani ni Thea.
"Sige na nga. Tara!" Inaya ko sya papasok ng court at yung uba mukang ready na para sa laro.
"This is it! Pancit! Yuhoooooooo!" Sigaw ng MC.
"Handa na ba kayo?!"
Marami nag hiyawan sa sigaw nya.
"Charorot lang, kala nyo talaga sasabak kayo sa Model contest!
Nilapag na namin yung Dyaryo at nag simula ng tumugtog, music.
Yung iba ang kumekembot kembot pa na kinatawa ko ng mahina.
Nang biglang nag stop ang kanta. Kaya napa apak kami agad kartolina na nasa lapag. Dali dali kaming napa apak sa Dyaryo, naramdaman ko ang hininga nya sa ibabaw ng ulo ko.
Wala sa sariling na singhot ko ang pabango nya na umaalingawsaw sa T-shirt nya.
Ang bangoooooooo!
Napa iling agad ako sa mga naiisip ko at para maalis ang kung ano ano.
Sumunod na hanggang sa pinag tiklop na namin yung Dyaryo na isang paa nalang ang kasya kaya kinakabahan ako.
Nang play uli yung kanta at gaya kanina nag simula narin sumayaw tatlo nalang kami ang natirang player.Nang mag stop ay kinabahan ako. Aligaga ako at hindi ko alam kong saan ako kakapit. Nagulat nalang ako ng may bumuhat saakin. Sumalubong saakin ang napaka gandang mata saakin.
Bakit ang gwapo? titig na titig kami sa isa't isa at gaya ng nakaraan para naman mag karirahan ang nga puso ko dahil sa titig nya lang.
Parang naka humaling yung mga tingin nya.
Naalis lang ang titig ko dito ng mag salita ang MC.
"Ayieeeuhuhuh! Mukang may nanalo na ah! Charorot! iba palang panalo yung tinutukoy ko!" Biro ni Betchay yung MC ng barangay. " And the winner for this Game today is Mr. and Ms. Pogiiiiiiii! Ayieeeuhuhuh!"
Yung iba natawa sa sinabi ni Betchay pati narin ako.
Kaso nawala yung ng may bumolong sa tenga ko.
"You enjoy watching my eyes, uh?"Nannindig ang balahibo ko hindi sa narinig kundi dahil sa lapit ng kabi nya sa kabilang pisnge ko.
Napalunok ako dahil naramdaman ko rin ang kanyang mabango na hininga.
A/N: Hellopooooo! Kamustaaaaa?
Na enjoy nyo ba? Parang mas gumagwapo si Kyo 'no? hehe.Na enjoy nyo ba? kung ganon wag kalimutang mag comment at mag vote para sa susunod na Chapter.
p/s comment your thought about this story.
And please help me to promote my story by recommending in FB, tiktok, any social media. I highly Appreciate it! Thank you.
++Don't forget to vote, comment, and share (●♡∀♡)++
#pinkiyvery_stories
#TMNK
BINABASA MO ANG
TELL ME NO LIES ✓
RomanceC O M P L E T E D | U N E D I T - "THE MAFIA IS INLOVE WITH THE DOCTOR." - THANNANOS KYO TRAUXWELL × MILES GRAY MILLER S T O R Y - ENJOY! Started: August 8, 2021 End:March 21, 2022 Written by: pinkyvery_