Gad! parang 'di ako okay ngayun ah parang lalagnatin ako pero nakainom naman ako mg gamot. Nabasa kasi ako kahapon sa ulan dahil sa pag mamadali pauwi.
Pagod akong napasalampak sa upuan ng matapos ang operasyon namin. Napatingin ako sa orasan 1:46 na pala hindi pa ako nakapag pananhalian at inom ng gamot.
Tumayo ako kahit pagod para pumunta sa canteen dahil narin sa gutom pero pag bukas ko ng pintuan bumungad agad saakin ang gwapong muka ni Kyo.
Nag tataka ko sya tinignan, bumaba ang tingin ko sa dala nyang paper bag.
"Ginagawa mo dito?" Tanong ko kasi parang wala namang dahilan para pumunta sya dito.he just shrugged his shoulders and handed me the paper bag he was carrying earlier.
"I'll just give it to you."Tinignan ko ito ng may pagtataka.
"W-why?""You have not eaten yet," Sabi nya.
Pano nya nalaman?
"And how do you know?" Usisa ko sa kanya. Kasi paano nya naman malalaman e hindi nga kami mag kasama at saka hindi pa kami masyado close ano.
"Secret." Yan lang na salita ang lumabas sa kanyang bibig.
May pa secret secret pa na nalaman ah. Nagulat talaga ako sa biglaang pag sulpot nya at may dalang pag kain na.
Bigla akong napahawak sa noo ng sumakit ito. Piste, naman..
"Hey, are you okay?"
"Mukha ba akong okay?"
Kahit sakit na sakit na ulo nagawa ko paring barahin sya.
Naalala ko na hindi pa pala ako nakainom ng gamot dahil narin wala akong kain.Inalalayan ako nitong umupo sa Swivel chair ko at kinuha ang binigay nya kanina saakin at nilapag sa lamesa. Sinapo nya ang noo ko.
"Shit, ang hot mo!" Nagulat ako mg sumigaw nito.
Alam ko naman na hot ako e, di na kailangan e sigaw.
"Ha?"
"Ah, I mean mainit ka. Nilalagnat ka." Bakas sa muka nito ang pag alala.
Nginusuan ko sya at pabalang uli syang sinagot. "Hindi ba obvious?"
Palihim akong natawa ng biglang sumama ang timpla ng muka nya, naka taas pa ang kilay nito sabay kunot ng nuo.
"Have you taken any medicine?" Tanong nya.
"Ahehe actually hindi pa, dapat kanina pa e kaso wala pa akong kain kaya 'di pwede yun."
Inis nya akong tinignan.
"Ba't di ka kumain?"Psh! ba't ba galit to?!
"Ee! ba't parang ikaw pa galit?" Inis ko rin sa kanya.
Pinaikotan nya lang ako ng mahiwagang mata nya at binuksan ang dala nya na pagkain pala ang dala. Walang pasabi sabing kumuha ng pagkain at tinapat sa bunganga ko.
Tinignan ko lang naman iyon.
B-bakit parang ang bait nya naman ngayun?
Actually ngayun ko lang sya nakita matapus nong dinner namin at ilang linggo narin yun nagulat talaga ako ng pumunta sya rito.
"What? are you done staring at me?"
Napakurap ako ng ilang beses at natauhan lang ng mapagtanto na matagal ko na pala syang tinititigan.
Nahihiyang nag iwas ako ng tingin. " A-ah, sorry."
"Tsk! just eat."
Mas tinapat pa nito ang kutsara sa bibig ko. Wala na akong nagawa kundi kainin nalang. Nag fefeeling na naman ang puso ko dahil sa mga simpling galaw lang nito.
Nakailang subuan rin kami bago naubos ang pagkain. Inabot nya sakin ang dala nyang tubig at saka gamot na nasa tabi nya.
Tumayo na sya at inayos ang kanyang damit kahit wala naman ni isang gusot. psh.
"Take your medicine. I am going home." Paalam nya.Hindi pa nga ako nakapag salita umalis na ito.
Hays. Pumunta lang ba sya dito para sa pagkain?
At talagang umasa kapa Miles na ikaw ang dahilan kaya sya pumunta!?
Oo nga naman, baka may dinalaw lang. haha.
"Kyaaaaaaaah!!"
Napatakip ako ng tenga ng madinig ko ang isang napakalakas ng tunog mula sa kaibigan kong nag mamay ari ng company ng microphone.
Basta chismis updated sya.
"Oyy! sino yun!?" Pag iintriga pa nito saakin.Tinawanan ko sya kaya sumimangot ito.
"Hmp! kaya hindi mo sinasabi kasi gwapo?! noooo!?" Anya pa.
Muka syang bata ngayun na naubusan ng candy at wala ng mag bibigay.
"Hindi mo yun kilala." Simpling sagot ko lang sakanya.
Napatingin ako sa kanya ng tumahimik ito at ilang saglit nanlaking mata syang tumingin sakin at tumili ulit.
"Kyaaaah! I know who's that guy! ihihi!"
"Huh, kilala mo?"
Paano naman nito nakilala?
"Remember kwento ko dati sayo yung gwapong guy na nakasalubong ko?"
Ay naalala ko nga,
"Oh? ano naman meron don?" Tanong ko uli, napa facepalm nalang sya.
"Sya yung best friend ng crush ko ihihi!"
Oh? ah, Oo na nakalimutan ko pala.
Tumango nalang ako.
A/N: Hiiii! ehehe nalibang ako kanina sa panunuod ng 2gether nila Win at Bright ehehe sarap balik balikan sila e.
Na enjoy nyo ba? kung ganon wag kalimutang mag comment at mag vote para sa susunod na Chapter.
p/s comment your thought about this story.
And please help me to promote my story by recommending in FB, tiktok, any social media. I highly Appreciate it! Thank you.
++Don't forget to vote, comment, and share (●♡∀♡)++
#pinkiyvery_stories
#TMNL
BINABASA MO ANG
TELL ME NO LIES ✓
RomanceC O M P L E T E D | U N E D I T - "THE MAFIA IS INLOVE WITH THE DOCTOR." - THANNANOS KYO TRAUXWELL × MILES GRAY MILLER S T O R Y - ENJOY! Started: August 8, 2021 End:March 21, 2022 Written by: pinkyvery_