Kabanata 13

398 12 0
                                    

"Ayos na nga talaga kayo?" Masungit na tanong sa akin ni Clint. Nandito kami ngayon sa garden, para lang magkwentuhan. Tumakas nga lang kami kay Sean kasi halos hindi niya ako pakawalan kanina, namiss daw niya na magkasama kami.


Siya ang sumundo sa akin kanina at doon na nga nagkaroon ng haka-haka yung iba at pinagsigawan rin ni Sean na napatawad ko na raw siya.


Tss.


"Yup." Tipid na sagot ko. 



"Good for you and for him."  Matigas niyang tugon kaya naman ay napasulyap ako sa kanya. 


"Oks ka lang Clint?" Tanong ko.


"Syempre. Basta andito lang ako Gabbi a?" He smiled. Hindi man lang umabot hanggang sa mata yung ngiti niya, gusto ko man sabihin na hindi bukal sa loob ko tong nangyayari ay hindi pwede.


"Tara? Punta tayong bayan, gusto kong mamasyal." Wala na akong palag ng hilain niya ako.


Minsan lang naman kami magditch ng class diba? Gusto ko ring mamasyal, this past few days kasi ay parang ang gulo-gulo ng mundo ko.


Paglabas ng gate ay may naghihintay ng bus kaya agad kaming sumakay.




DENZEL's POV


"Ano ba?! Di nga namin alam kung nasaan siya." I shout. Kasi naman, itong si Sean kanina pa kami tinatanong kung nasaan si Gabbi.


Kami din. Hindi naman alam.


"Itext mo kasi!"Angil ni Ivie. She's annoyed na din.


"Laking istorbo." Nakangiwing ani ni Marky.


"Nagtatanong-"


"For 100 times na kayang tanong mo yan. Kainis na." Sinamaan ko siya ng tingin.


"Tss. Tignan mo kasi yung nawawala. Ilan ba sila? Malay mo magkasama sila." And after that--Nathan walked-out.


Doon naman siya magaling.


Oo nga, si Clint din wala. Magkasama nga kaya sila?


Muntik ko ng mabitawan yung cellphone ko dahil sa padabog na pagbukas ng pinto.


Si Sean na nagmamadaling lumabas.


Psh. Anong problema ba ng mga tao ngayon?


Papikit na sana ako ng bigla na namang may nangangalabit sa pisngi ko. Sinamaan ko agad yon ng tingin but my jaw dropped ng makita kung sino yon.

From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon