Kabanata 29

352 10 1
                                    

Halos huminto ang mundo ni Sean ng marinig ang mga salitang yon galing kay Gabbi.


"A-nong sinabi mo?!" Gusto niya ulit marinig yon dahil baka nagkamali lamang siya.


"Ayoko ng ulitin." Ngumuso si Gabbi at saka siya inirapan dahilan para matawa siya. "Tinatawanan mo ko huh?" Pagtataray nito.


"Please?" Malambing niyang sabi dahilan para mamula ang pisngi ni Gabbi. Nangingiti si Sean habang nakatitig sa dalaga.


"Sabi ko, mahal din kita!" Pagkasabi nun ay niyakap niya agad ito. Tumawa naman siya ng malakas dahil sa nararamdamang kilig!


Hindi nila alam na nakatingin nasa kanila ang Papa ni Gabbi maging ang mga kaibigan nito maliban kay Nathan na ngayon ay naglalakad palayo sa kanila.


Masakit pero kailangang tanggapin niya yon.


Masaya si Gabbi pero hindi niya maiwasang hindi malungkot, alam niyang iiwan niya rin si Sean.Parang kinurot naman ang puso niya sa naisip na yon—tama bang inamin niya to? O dapat tinago na lang niya yon.


Abala na sila sa pagkain ng tumunog ang cellphone niya at halos matigilan siya ng Unknown Number ang tumatawag sa kanya.


Tumayo siya at naglakad palayo sa kanila—sinagot niya ito.


"Happy new year 'nak." Malungkot ang boses ng nasa kabilang linya, tumulo agad ang mga luha ni Gabbi dahil namiss niya ang Mama niya pero may parte pa rin sa kanya na masama ang loob niya rito.


"Happy newyear Ma." Malungkot siyang ngumiti at tumingala. Napapikit siya at di napigilang humagulgol may yumakap sa kanya mula sa likuran at naamoy niya ang pabango ni Sean.


"Ma. Miss na miss ko na kayo, bakit mo ko iniwan ng ganun na lang? Bakit di mo man lang ako naalala? Ma, nalulungkot ako pero hindi ako galit sa inyo. Sana lang nayakap kita." Yun ang gusto niya, ang mayakap ang Mama niya sa huling pagkakataon pero huli na ba ang lahat?


"Patawarin mo ako anak ko." Kasalanan niya dahil hindi niya naalala ang anak niyang si Gabbi. Masyado siyang nakatoon sa anak na si Cheska, hindi siya naging patas at ngayon gusto niyang umuwi ng Pilipinas dahil nalaman niya na kung ano ang nangyayari kay Gabbi.


Nakapawalang-kwenta niyang ina.


"Sana mapatawad mo ko anak. Wala akong kwentang ina."


Napakagat sa labi si Gabbi at umiling habang tumitingin kay Sean, nginitian lang siya nito at hinalikan sa noo.


"Hindi po Mama! Naging mabuti kang ina sa akin masaya pa din ako dahil naalala mo ko. Ngayon, si Cheska naman ang alagaan mo...." Tama naman diba? Kay Cheska siya dapat ngayon bumawi lalo na't dahil sa kanya ay nagkahiwalay silang mag-ina.


Doon naliwanagan si Gabbi, papaubaya na niya ang Mama niya kay Cheska. Hindi na dapat siya magtanim ng sama ng loob, sa oras na to na parehas silang may sakit, si Cheska naman ang dapat niyang alagaan at piliin.

From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon