Kabanata 5

679 21 2
                                    


"Hindi ako papayag! Hindi siya ang magiging class president!" Tutol ni Cheska ng ako ang manalo bilang Class President ng Four-Diamond. Matapos kasi yung break time, pinuntahan kami ni Sir Dricks at sinabing mag-elect daw ng officers.


"Wow naman. Ayaw magpalamang ganun te?" Sarcastic na sabi ni Denzel.


"At tyaka ikaw ba masusunod? Karamihan nga si Gabbi ang binoto samantalang sayo yung alipores mo lang bumoto sayo." Mataray na sabi ni Ivie. Nagkatinginan sila ni Denzel at sabay silang ngumiwi.


"Ah! Yang Beast na yan ang magiging President? Anong mangyayari sa atin? My gosh naman!" Gigil niyang pinagigigilan yung papel na hawak niya.


"Naagaw ko lang yung teritoryo mo sa pagiging President sa classroom, ganyan ka na makareact? Ganyan ka na kaaffected ? Napakababaw naman pala. Wala pa akong ginagawa, talo ka na." Umiling-iling lang ako saka pumunta sa harap. Dahil ako na nga ang bagong President, ako na ang magtutuloy ng botohan rito.


"Kapal ng mukha! Masyado kang nagmamaganda."


Hindi ko siya pinansin at tinuloy yung botohan. Nakita ko namang lalo siyang nainis sa hindi ko pagpansin sa kanya. Ganun naman e, kapag hindi mo pinansin mas lalong nakakainis. Mainis ka pa Cheska, please?


Matapos ang botohan ay kumpleto na ang officers. Naging Secretary si Ivie, Treasurer si Denzel, si Marky naman ay Auditor. Gusto niyo malaman kung ano si Nathan? Ah! Siya lang naman yung ESCORT! Kaya ayan, nag-aasaran sila ni Marky.


"What the hell!" Padabog na lumabas si Cheska kasama si Kim. Nagkibit balikat na lang ako. Wala kasi siya sa mga officers.


Ano ka ngayon Cheska? Kung dati nagrereyna-reynahan ka, pwes ngayon hindi kana uubra.


"Class tapos na kayo?" Napatingin kami kay Sir Dricks na bigla na lang pumasok.


"Yes Sir." Sabay abot ko sa kanya ng list.


"Ms.Almonte, napalitan mo si Ms.Lim?" Ngumiti siya sa akin at ginulo yung buhok ko.


"Yes Sir." Sabay ngiti ko.


"So thats it. Ms. President and Mr. Vice President sumunod kayo sa akin sa office." Tatanungin ko pa sana siya kung bakit pero nakaalis na siya.


Bakit kaming dalawa pa? Pwede namang ako lang. Nauna na akong lumabas ng room at alam kong sumunod rin naman si Sean. Ramdam ko siya sa may likuran ko. Habang naglalakad, ramdam kong nakatitig siya sa akin. Ugh nakakailang.


"Stop staring." Mariin na sabi ko ng hindi siya nililingon.


"Masama ka na palang titigan?" Napasinghap ako sa sinabi. Titigan? So tama ako na hindi lang tingin yun kundi titig.


"Bakit mo ko ti-ni-ti-ti-gan?" Umirap ako sa kawalan.


"Trip ko lang Ms.President." Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon