"Anong ginagawa ni Sean dyan sa labas?"
"Close sila ni tita novie?"
"Oh my gosh. Close nga sila! Kita niyo? Niyakap niya si tita!"
Naalimpungatan ako sa bulung-bulungan nila at lalong nawala yung antok ko ng may tumili .
Ano? Nandito si Sean?
"Ang ingay mo Denzel. Magigising si Gabbi dahil sayo eh"
"Sorry. Bat di ata nakwento ni gabbi to?"
"Baka kasi binaon na niya talaga sa limot yun."
Napahigpit yung pagkakayakap ko sa unan ng may biglang naalala. Yung text niya kagabi. Kung kanino niya kinuha yung number ko ay di ko alam. Halos di ako dinalaw agad ng antok dahil doon. Bakit? Anong gusto niyang mangyari? Bakit niya ginagawa to sa akin.
"Hala hala hala papasok sila dito sa bahay!" Pagpapanic ni Ivie
"Bakit ka natetense?" Marky.
"Kinakabahan ako. Paano kung, magising bigla si Gabbi? Tapos madadatnan niya yang Sean na yan?"
"Onga no? Teka, Lalabas ako." Kahit nakapikit ako ay naramdaman kong mabilis siyang umalis na sinundan rin ni Nathan.
"Di pa naman siguro magigising si Gab susunod ako sa kanila Denz." Ani Ivie.
"Sama!"
Naramdaman ko na ngang umalis silang lahat para tignan kung anong meron ngayon sa labas. Dumilat na ako at tumayo. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko nga yung sasakyan niya.
Fortuner ...
Siya yung mapang asar na nag mamay-ari ng sasakyan na yan. Napailing ako sa mga nangyayari ngayon hindi ko ito inaasahan. Nakarinig ako ng mga yapak na palapit dito sa kwarto kaya agad-agad akong bumalik sa kama saka natulug-tulugan ulit, di nga nagtagal ay narinig ko itong bumukas.
"Tulog pa rin siya." Boses ni Mama 'yon.
"Pwede po bang pumasok sa kwarto niya?" Di na ako nagulat ng marinig kung kaninong boses yon. Damn! At bakit siya papasok?
"Hep! Di niya lang yan kwarto, kwarto namin yan." Gusto ko ng mangiti ng marinig si Ivie.
"Hayaan mo na sila hija, tulungan mo na lang akong magluto ng umagahan. Sean, sige na maiwan ka na namin dito."
Aangal pa sana si Ivie ngunit mukhang hinila na siya ni mama papuntang kusina. Di ko pa naririnig na sumasara yung pinto pero ramdam kong nakatayo siya ngayon sa may paanan ko. Ilang ulit siyang huminga ng malalim bago umupo sa may tabi ko.
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
PovídkyBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...