"Ang panget mo! Ay hindi isa kang Beast. Beast Gabbi. Nakakadiri ka. Di ka nababagay dito, dapat nasa gubat ka."
"Ang panget mo! Ay hindi isa kang Beast. Beast Gabbi. Nakakadiri ka. Di ka nababagay dito, dapat nasa gubat ka."
"Ang panget mo! Ay hindi isa kang Beast. Beast Gabbi. Nakakadiri ka. Di ka nababagay dito, dapat nasa gubat ka."
Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga. Habol ko ang aking hininga at napansin kong basa ang mga mata ko. Nanaginip ako, napanaginipan ko lahat ng mga ala-alang yon. Naikuyom ko ang kamao ko, isa lang ang pahiwatig nun. Hindi ko dapat kalimutan lahat ng rason kaya ako bumalik.
Alas-singko na ng umaga. Tumayo na ako saka dumeretsyo sa kusina. Nadatnan ko sila Mama at Sean na nagluluto roon. Tumikhim ako kaya naman napatingin sila sa akin. Ngumiti si Sean pero hindi ko siya pinansin.
"GoodMorning 'nak." Masayang bati ni Mama. "Morning ma." Tugon ko bago kumuha ng tasa.
"GoodMorning Princess!"
Umirap ako sa kawalan pero nagawa ko pa rin siyang tanguan. "Morning." Walang kagana-gana kong sabi.
Matapos kong magtimpla ng kape ay prente akong umupo . Papikit-pikit pa akong sumasandal sa pader na kahoy habang inaayos yung buhok ko.
"Saan kayo galing kahapon?" Naramdaman kong umupo siya sa tapat ko. Minulat ko yung isa kong mata."Naglibot sa bayan." Simple kong sagot saka umayos ng upo.
"Kayong dalawa lang ni Clint?" Tiim bagang tanong niya.
"Yup."
"Ahhh. Nagditch kayo para lang gumala?" Matigas niyang tanong. Ano? Bakit ganyan ang reaksyon niya? Tinaasan ko siya ng kilay bago humigop ng kape. "Minsan lang naman." Inis na sabi ko.
"Great. Si Class president nag diditch para lang makipagdate." Sarkastiko siyang ngumiti.
Padarag kong binaba yung tasa ko. Tinitigan ko siya. Selos ka? Iniisip niyang date yon?
"Sabi ko naman, minsan lang yon. Gusto naming magjamming ni Clint--what I mean gusto naming magdate e." Ngumisi ako sa kanya. Umigting ang kanyang panga saka siya huminga ng malalim.
"Tss." Yun lang? Wala na ba siyang masabi? Nakangisi akong umiling.
"Gabbi!" Lumingon ako sa tumili. Si Denzel at hawak si Stitch! Nanlaki ang mga mata ko. "Kanino tong Stitch? Ang ganda! Akin na lang!" Patalon-talon siyang lumapit sa akin habang yakap-yakap si Stitch.
"Ano ba! Akin yan, nakuha yan ni Clint kahapon at binigay niya sa akin." Hinablot ko yun sa kanya. Natigilan siya sandali bago tumili ulit.
"Talagaaaaa?! Si Clint kumuha niyan? Ang sweet!" Nakita ko kung paano siya simpleng sumulyap kay Sean. E? May pinaparating ba siya?
"Onga e. Ang cute pa ni Stitch." Sinakyan ko kung ano mang trip nitong si Denzel. Nagulat kami kay Sean na biglang nagdabog patayo.
Nagtawanan lalo kami ni Denzel. PIKON!!!
"Kumusta yung date niyo?!" Sigaw ni Denzel. Nakita ko kung paano natigilan si Sean sa paglalakad. "Masaya!" Masaya kong sabi at siguradong narinig yun ni Sean.
Nagtawanan lang kami ni Denzel. Sarap mangpikon.
Hanggang sa nagising na rin sila Marky at sinakyan din nila ang trip namin kaya naman ay walang kibo si Sean hanggang sa nagpalaam na siya para umuwi.
May klase pa kami ngayon. Ginawa namin lahat yung routine namin at ngayon nakahanda na kami sa pagpasok.
"Nasaan yung sundo mo Gabbi? Sasabay kami sa inyo." Sumulyap ako kay Denzel na abalang nag-aayos ng kilay.
"Mukhang hindi ka susunduin nun a. Napikon ata kanina sa atin." Humalakhak si Marky habang inaayos ang bagpack.
Natawa na rin ako. "Siguro nga, kaya maglalakad tayo ngayon!" Kinuha ko yung bag ko saka naglakad.
Sumunod rin naman sila pero nahinto kami sa paglalakad ng matanaw si Clint na tumatakbong palapit sa amin.
"Nge?" Gulat na itinuturo ni Ivie si Clint. "Grabe! Haba ng buhok mo!" Saka niya ako sinabunutan. Tinampal ko yung kamay niya saka inayos yung nagulo kong buhok.
"Una na ako." Nakapamulsang naglakad palayo sa amin si Nathan. Nakita kong tumango lang siya kay Clint saka deretsyo ng naglakad.
"GoodMorning Guys! GoodMorning Gab." Nakangiti niyang bati sa amin.
"Ganon? Special mention si Gab?" Pang-aasar ni Ivie.
"Inggit ka?!" Nagulat kami sa nagsalita sa likod namin.
"Daniel! Anong ginagawa mo dito?" Takhang tanong ko. Nginuso niya si Ivie na ngayon ay nakabusangot na. "O-kaaay?" Anong meron sa dalawa?
"Magandang umaga binibini." Malambing niyang sabi kay Ivie. Saka niya ito hinila, pumalag si Ivie pero wala siyang nagawa ng mahila na siya ng tuluyan ni Daniel.
Sabay sila?
"Bakit ka ba nandito?!" Napalingon ako sa sumigaw. Robin and Denzel?
"Sinusundo ka. Tara na." Nakangiting sabi ni Robin. Nakita ko kung paano namula si Denzel--wait lang a? Anong nangyayari?
Saka ko na lang narealize kaming dalawa na lang ni Clint ang naiwan dito. Si Marky? Mauuna na daw siya kasi nakakahiya naman siya lang walang partner. Siraulo talaga yon.
"Pakiexplain naman sa akin Clint kung anong nangyari?" Natatawa kong tanong kay Clint. Umiling lang din siya habang natatawa.
Nagsimula na kaming maglakad. Pero may nakaagaw ng pansin ko, may tao sa likod ng puno at nakasilip sa loob ng bahay? Lalapitan ko sana siya ng bigla niyang maramdaman na palapit ako sa kanya kaya agad siyang tumakbo palayo.
Nanlalaki ang mga mata ko.
"Anong meron Gab?" tanong ni Clint. Hindi niya nakita....
Anong ginagawa ni Cheska dito?!
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Short StoryBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...