Marky' s POV
"Touch by touch, you're my all time lover
Skin to skin, come under my cover" ♪♬Nagmulat ako ng mata ng marinig yung kumakanta. Sino ba yon? Sa dinami-dami ng kakantahin 'yon pa talaga?
" Do it, we'll still do it night and day
You're my all time lover" ♪♬Nagising din yung tatlo na hindi maipinta yung mga mukha.
"Do it, we'll still do it anyway
Like there is no other" ♬♪
"Ang galing ng alarm tone mo Marky. Pakipatay na nga." Nakapikit na sambit ni Nathan.
" Touch by touch, you're my all time lover
Skin to skin, come under my cover." ♬♪
"Ano ba yan! Marky pakipatay na nga kasi!" Mas lalong naiiritang sabi. Humalakhak sina Ivie at Denzel. Napangiwi ako at hinawakan ko ang unang nasa tabi ko.
" Skin to skin, come under my cover
Do it, we'll still do it night and day
You're my all time lover
Do it, we'll still do it anyway
Like there is no other"♪♬
"Marky ano ba! Paulit-ulit na—aww!" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng ihampas ko sa kanya yung unan. Nagdilat siya ng mata at matalim akong tinignan.
"Touch by touch, you're my all time lover" ♬♪
"Pu—"
"Nakikita mo to? Tingin mo alarm tone ko yon ah?" Halos ingudngod ko sa mukha niya yung cellphone ko bago pa siya makareklamo.
"Denz? Vie?" Kamot niya sa batok niya.
"Hindi sa amin yun." Natatawang sabi ni Ivie.
"Kung hindi sa inyo kanino? Alangan naman sa akin eh lowbatt ako."
"Baliw! Si Gabbi yon ano ba?! Kumakanta siya!" Sigaw ko sa kanya. Minsan nakakairita na din ang bwisit na to.
"Bulaga! GoodMorning!" Isang nakangiting Gabbi ang nasa harap namin at may hawak na sandok. "Narinig ko pangalan ko ah."
Kung alam mo lang kung paano mo kami binulabog. Sabi ko sa isip ko. Aba, dapat maingat na. Baka pabalikin niya kami sa Maynila.
"Kasi naman akala ko alarm tone nila Marky yung kanina. Yun pala ikaw lang. Gab, hwag kang maooffend ha? Di naman sa sinasabi kong pangit boses mo pero nakakabulabog ka ng natutulog eh. Yung kanta mo pa paulit-ulit tapos makaluma pa. Nako naman, anong masasabi ng kapit bahay niyan? Hwag ka munang kumanta ha? Antok pa ako." Matapos niyang sabihin ang mga 'yon ay nahiga ulit siya at natulog.
Pigil ko yung tawa ko ngayon, putspa! epic talaga kahit kailan to. Napatingin ako kay Gabbi na naguguluhan.
"Problema niyan?" Turo niya kay Nathan gamit yung sandok.
"Gwapo ko kasi." Sabi ko sabay taas-baba ng dalawang kilay ko.
"Kilabutan ka nga!" Makasigaw naman tong si Ivie.
![](https://img.wattpad.com/cover/26176001-288-k216319.jpg)
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
القصة القصيرةBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...