"GoodMorning Class." Napatayo kaming lahat ng biglang dumating si Sir Dricks.
"GoodMorning Sir." Bati naman saka kami umupo. Nangalumbaba ako at tamad na tumingin sa harapan.
Akalain mo? Monday na naman ngayon. Nakakatamad. Noong weekends natuluyan na akong lagnatin at hanggang ngayon ay may sinat pa rin ako. Napatingin ako sa bagong pasok, deretsyo ang titig niya sa akin habang ngumunguso pero inirapan ko siya. Sirang sira na ang umaga ko.
Pumikit ako at sigurado akong ilang minuto lang ay makakatulog na ako. Pinipilit kong dumilat para lang hindi makatulog. Sana pala ay hindi na lang ako pumasok.
"Gabbi! Hello?" Napaigtad ako ng sumigaw si Nathan na nasa tabi ko. "Kanina ka pa tinatawag ni Sir." Agad naman akong napatingin sa harap.
Nakapamewang at natatawa si Sir habang nakatingin sa akin.
"Not feeling well Ms.Almonte?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako. Inaantok lang ako.
"Sige. Itatanong ko ulit sayo ha? Yung pinag usapan ba natin about sa pag aayos ng room natin, may plano na kayo ng Vice Pres. mo?" Napatingin ako kay Sean na ngayon ay nakatingin rin sa akin agad akong umiwas.
"Wala pa Sir. Im sorry." Sabi ko saka yumuko.
"Walang kwentang President." Walang alinlangang sabi ni Cheska. So? Anong gusto niyang palabasin ?
"Its okay. Kahit next week niyo na umpisahan ang pag-aayos dito. Next month pa naman darating ang visitors natin."
Tumango na lang ako saka tumingin kay Cheska. Tinagilid ko yung ulo ko saka siya nginitian. Ngiting pang aasar. Tulad ng inaasahan ko, halos mamuti na ang mata niya sa pag-irap.
Nawala yung antok ko dahil doon. Nakakabuhay ng dugo.
Tinuon ko yung atensyon ko sa klase at paminsan-minsang sumasagot kapag may tanong si Sir. What I mean laging sumasagot. Nakipagsabayan pa sa akin si Cheska sa pagsagot pero syempre mas madalas alam ko yung sagot kaya sa huli? Pikon pa rin siya. Makikipag-kompitensya pa ba siya sa tulad ko?
"Class Dismissed."
"Gabbi! Hindi pa kayo kakaen? Sabay na ako sa inyo." Sigaw ni Clint mula sa kinauupuan niya.
"Mama—"
"The hell Clint! Sa amin ka sasabay at hindi sa kanila!" Di ko na naituloy yung sasabihin ko ng maghigh-blood siya. Kilala niyo na kung sino siya.
"Ha? Gusto ko sa kanila Cheska. Hwag mo kong diktahan." Inis na sabi ni Clint saka lumapit sa amin.
"Clint. Sa inyo rin ako sasabay." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sean.
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Storie breviBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...