"Bakit nandito ka ba kasi Sean?!"
"Tinatanong pa ba yan Clint? Sinusundo si Gabbi ano pa nga ba? Ikaw ba't nandito ka? Naliligaw ka ata."
Ano bang ginagawa don ni Cheska? Magnanakaw? Imposible. Pero bakit siya nakatanaw sa bahay? At ang malala ba't nagtatago pa siya?
Hala! Baka balak niyang sunugin yung bahay?!
"Sinusundo din siya. Ako ang nauna dito, kaya umalis kana."
"Hindi ako aalis dito."
Babalik ba ako ng bahay? Waaaaaa anong gagawin ko? Itetext ko na lang si Mama.
"Wag kang asungot dito Sean."
"Ikaw ang asungot sa ating dalawa."
To : Mama
Ma! Ingat ka dyan sa bahay a? Kapag sa tingin mo may masamang nangyayari idial mo agad # ko a?
Sana wala namang mangyaring masama.
"Gago! Kahit kailan sagabal ka e no? Lumaban ka ng patas."
Napalingon ako sa sumigaw at nanlalaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon.
"Sean! Clint! Ano ba? Hwag nga ngayong magsuntukan!!!" Sigaw ko pero natatakot akong lumapit sa dalawang nagsusuntukan ngayon sa damuhan.
"Lumaban ng patas? Ako ang nauna diba? Pero nakikisiksik ka ngayon." Sigaw ni Clint habang nasa ibabaw ni Sean.
Ako na naman ba ang pinag-aawayan nila? Bahala nga sila dyan kahit magbasagan na sila ng mukha bahala sila! Tumalikod na ako saka naglakad palayo sa kanila. Sino ba naman kasing maysabi na kailangan ko ng sundo?
Mabilis akong nakarating ng school dumeretsyo na ako sa room namin at ang tanging nadatnan ko lang ay si Marky na nakasimangot.
"John Mark!" Sigaw ko sa pangalan niya, agad naman niya akong sinamaan ng tingin.
"Umayos ka Gabbi." Iritadong sabi niya kaya naman humalakhak ako.
"Badmood?" Nakangisi ako sa harap niya.
"Hwag mo nga akong asarin. Nasaan yung sundo mo?" Tumingin siya sa likod ko saka nagtaas ng kilay sa akin in manly way.
"Nakikipagsuntukan? Ang dalawang Montenegro na yon talaga!" Gigil akong napahampas sa may desk.
"Dalawang Montenegro ang sumundo sayo? Nice one! Haba ng buhok." Sinabunutan niya ako kaya naman hinampas ko yung braso niya.
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Short StoryBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...