"Gab--"
"Iwan niyo muna ako." Mahinang sabi ko habang nakatulala lang sa kawalan.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Malakas ang tibok ng puso ko ngayon, nanginginig at pinagpapawisan. Gusto kong umiyak pero parang ayaw lumabas ng mga luha ko. Yun nga e! Gusto kong umiyak para mabawasan yung bigat sa dibdib ko.
Napakagat ako sa babang labi ko habang tinitignan na naman yung picture. Tinignan ko yung mga comment ....
Sean Ethan : What? How?
Clint Montenegro : Sana hindi pa nakikita to ni Gabbi.
Cheska Lim : Idc kahit makita niya to. Basta masaya ako, tapos.
Nagngitngit ako sa galit. Hindi ko na binasa yung ibang comment. Napatalon ako ng bahagya ng tumunog yung cellphone ko. Nakita kong si Sean yung tumatawag, ewan pero agad kong sinagot yun.
"Sean..."
"Princess, online ka?"
"Sean ... N-nakita ko na yung picture." Bahagya akong napahikbi. "Sean... Ayaw kong magtanong kay Mama ...." Tuluyan ng tumulo yung luha ko. Pumasok si Nathan na nag-aalala at agad akong niyakap.
"Hintayin mo ako dyan." Yun ang sinabi niya at pinatay na ang tawag.
"Ssshhhh. Hwag kang umiyak." Bulong ni Nathan at hinaplos yung buhok ko.
"Bakit pakiramdam ko natraydor ako Nathan? Totoo ba to? Sana panaginip lang to kasi hindi ko talaga alam yung gagawin ko ngayon." Napakapit ako ng mahigpit sa dulo ng damit niya. Tuluyan na akong naiyak.
"Di pa tayo nakakasigurado."
Umiling ako. "Hwag ka na ngang positive thinking ngayon nakakainis e." Sigurado na ako sa nakita ko.
"Gusto ko lang na huminto ka muna sa kakaisip. Tanungin mo si Tita."
"A-yaw ko. Hindi pa ako handa, pwede ba Nathan hwag nyo munang sabihin kay mama na nakita ko yun." Huminga ako ng malalim.
"Haaay. Okay po." Napapikit ako ng hinalikan niya ako sa noo. Naramdaman kong bumukas yung pinto pero hindi pa rin ako dumidilat, dahan-dahan kinalas ni Nathan yung pagkakayakap sa akin at doon pa lang akong nag-angat ng tingin.
Kunot-noo akong tumingin sa kanya at ngumuso siya sa may pintuan. Lumingon ako doon at madilim ang ekspresyon ni Sean na nakatingin sa amin.
"Sean." Bulong ko at pinunasan ang mata.
Nakataas na ngayon ang kilay niya habang nakatingin kay Nathan. Pokerface lang din na nakatingin sa kanya si Nathan.
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Short StoryBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...