Padarag kong kinuha yung cellphone ko at pinatay yon. Kanina pa sila tawag ng tawag, yung dalawang Montenegro. Wala ako sa mood para kausapin sila. Siguro nalaman na nila yung nangyari kanina.
"Ayaw mo pang umuwi?" Tanong niya sa akin. Niyakap ko yung tuhod ko at isinandal yung baba doon. Umiling ako bilang sagot.
He sighed. "Sigurado kang ayaw mo pang marinig yung kwento?"
Tumango na lang din ako. Tumingin ako sa baba at pinagmasdan ang magagandang ilaw ng Village.
"Pero kailangan--"
"Di pa pala ako ready N-Nathan." Nabasag ang boses ko at tumulo na naman ang luha ko. "A-yoko pa." Umiyak na ako at hinayaang lumabas ang mga luha ko. Ang bigat-bigat sa dibdib.
"Sasabihin ko sayo kapag handa ka na. Andito ako para sayo." Inakbayan niya ako at hinalikan sa may sintido.
Iniyak ko lang ang nararamdaman ko--speechless pa din ako sa mga nalaman ko.
Ako-na hindi niya tunay na anak.
Si Cheska-na tunay na anak.
Kaya pala galit na galit siya sa akin noon sa ilog. Yun kaya yung araw na natuklasan niya lahat?
Madaling araw na ng napagpasyahan naming umuwi ni Nathan. Nadatnan namin yung tatlo na gising pa at hinihintay kami.
"Gab." Agad nila akong nilapitan at niyakap. Niyakap ko rin sila pabalik. Im still blessed dahil kaibigan ko sila.
Sabay-sabay kaming natulog at sabay-sabay ding gumising para pumasok.
"Nak kumain muna-"
"Busog pa ako. Sila, baka gusto kumain? Mauuna na ako." Kinuha ko yung bag ko at lumabas na ng bahay.
Napahinto ako sa paglalakad at humiga ng malalim--gusto kong lumingon sa likod pero nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.
Pagdating sa school ay napamura agad ako. Nagsising pumasok pa.
Rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila! Ako na hindi tunay na anak at si Cheska na tunay na anak. Ako na malas daw at si Cheska na swerte! Gusto ko ng umuwi pero naisip kong makikita ko siya sa bahay. Hindi, hindi ako magpapaepekto. Dumeretsyo ako sa room at agad nadatnan sina Clint at Sean.
Nilapitan nila ako at kinamusta.
"Ayos lang ako." Tipid kong sagot at umupo na.
Nakinig ako sa music para di nila makausap, dumating sina Nathan ng hindi ko sila nililingon at pinapansin.
Buong araw na yun ay tinuon ko lang ang atensyon ko sa lessons kahit na nung may mga sinasabi-sabi si Cheska. Ganun ang nangyayari sa sumunod na mga araw-hanggang sa lumipas ang maraming buwan.
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Historia CortaBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...