Kabanata 23

251 8 0
                                    

"Bakit iba ata mood ni Sean?" Nakanguso si Denzel at nakatingin kay Sean. Pauwi na kami at nasa harap namin siya—nauunang naglalakad. Nakapamulsa ang isang kamay at ang isa naman ay hawak ang cellphone.



Napakagat ako sa labi ko at mahigpit na napahawak sa paperbag kung nasaan andun ang regalo ko para sa kanya.


"Ibigay mo na!" Tinulak ako ni Ivie at muntik na akong madapa kaya namura ko siya. Tumingin ako kay Sean na pasakay na sa sasakyan niya! Nagmadali akong naglakad at lumingon siya sa akin—still blanko ang ekspresyon.



"Uhm—para sayo. Salamat din sa regalo mo sa akin." Kinuha niya sa akin yung paper bag.


"Salamat—" Agad na akong tumalikod sa kanya kahit di pa siya tapos sa sasabihin. Hindi ko makaya pag ganyan siya.



Pagdating sa bahay ay hinanap ko agad si Mama pero bigo lang ako dahil wala siya. Maybe nasa LIM siya kasama ang anak niya.


I missed her....



Tuwang-tuwa sila sa regalo ko sa kanila—binilhan ko lahat sila ng Headphone at yung kulay ay nakabase sa favorite color nila. Nakangiti akong pinagmamasdan sila kung paano sila magselfie habang suot yun. Tumingin ako sa isang paper bag siguro sa noche buena nalang. Bukas naman na yun e.



Nanood kami ng Movie na kakadownload lang ni Denzel—kanya kanyang pwesto ulit kami. Humiga ako sa tabi ni Nathan, inunanan ko yung braso niya at sinubukang amuyin yung kili-kili niya.



"Bango!"Halakhak ko at umayos ng higa.


Hanggang sa nag-gabi na ay nakarami na kami ng pinanood. Tumayo ako ng makaramdam ng gutom. Alas-nuebe na ng gabi pero wala pa siya. Nagluto na ako ng gabihan namin at pagkatapos sabay-sabay na kaming nahiga.


Naka-ON ang wifi ni Denzel kaya kanya-kanya na kami ng mundo. Inopen ko yung Instagram ko at ang unang nakita ko ay post ni Sean.



Fooled! Bullshit!


Nakatalikod siya sa camera at nakaharap sa dagat—hindi, sa ilog to at yung suot niya ay yung kanina.


Sino ang kasama niya? Inopen ko yung account niya at may bago siyang post. Siya habang nakatulala at si Cheska na siyang may hawak ng cellphone.


#StolenShot. Atm with this girl.


So? Magkasama sila huh?


Nagselfie ako habang pinapakita yung regalo sa akin ni Clint.


"Thankyou Clint! Love it :***"


Binisita ko din ang facebook ko at nakita yung upload pictures ni Cheska.


'Bonding with my Mom ♥'


Edi MOM mo na! Inoff ko yung wifi sa cellphone ko at nagtalukbong na ng kumot. Nakakapanibago ang kinikilos ni Sean! Teka nga—bakit ko ba iniisip yun! 



"Uugghhh." Inis akong bumangon at lumabas sa kwarto. Napahinto ako sa paglakad ng may masipang tela.


Pinulot ko to at saglit na natigilan—panyo to ni Sean. Kelan siya nagpunta dito sa bahay? Natulala ako—hindi kaya?



Shit!





Third Person's POV

Tumingala siya sa langit at pumikit—kasabay nun ay ang paglandas ng luha niya.


"Ginagawa ko naman ang lahat! Pero bakit ganito pa din? Bumalik siya para maghiganti! Para saktan din ako!" Sigaw niya at napaluhod na lamang sa kalsada.


Umulan ng malakas at hindi niya alintana ang lamig.

"Kapag ba nadurog ako—dun siya sasaya? Ganun na ba siya kalupit?!" Ginulo niya ang kanyang buhok at nanginig ang mga balikat dahil sa paghagulgol.


Kahit na magmukha siyang tanga ngayong gabi ay wala siyang pakialam. Sobra na ang sakit na nararamdaman niya.



"Akala ko ba napatawad niya ako?"  Nakapikit at kausap ang sarili.


"Tangina naman e! Akala ko ayos na! Yun pala may balak na saktan ako!"


Sigaw niyang muli at tumayo. Nagsimula siyang maglakad at tinungga ang hawak na alak. Samantalang may isang babae ang nakasunod pa rin sa kanya at nagpapakabasa rin para lang samahan siya.



"Bakit ba hindi mo ako makita" Sambit niya at nagsimulang maglakad para sundan ito.






GABBI's POV


Naanlimpungatan ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kinuha ko yun sa ilalim ng unan ko at kahit nakapikit ay sinagot ko yon.


"G—Gabbi!"


Napamulat ako ng mata at agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

Si Mama—umiiyak!


"Ma! Ano pong nangyari?!" Natataranta akong tumayo at lumabas ng kwarto. Hindi siya umuwi kaya todo ang pagkataranta ko.


"Ma'am? Kayo po ang pamilya ng mga pasyente?" Nanginginig na ako dahil sa pagkataranta nasa hospital ba siya? Sino yung mga pasyente?



"Nak puntahan mo ko dito! Si Cheska at Sean!"


Agad na naputol yung tawag at halos habol ko ang aking hininga. Anong nangyari sa kanilang dalawa?

From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon