Kabanata 27

339 10 1
                                    

Nanatili akong nakapikit at pinapakinggan sila. Gusto ko ng magwala sa mga oras na to—alam kong yun na ang dahilan ulit kaya ako nagkakaganito.


Noong nasa Manila ako doon ko nadiskubre ang sakit ko sa puso, namana ko ito sa totoo kong Mama. Kami lang nila Nathan ang nakakaalam tungkol dito, alam din ni Mama pero hindi niya alam na inaatake ako nito noon.


Ayoko nakikitang malungkot ang mga kaibigan ko at nag-aalala sa akin kaya pag inaatake ako noon ay nagtatago ako at ang buong akala nila ay gumaling na ako pero hindi, dahil marunong akong magtago.


"Paano si Tita? Alam niya ba to?" Tanong ni Ivie. Nanatiling nakahawak pa rin siya sa kamay ko.


"Hindi pa. Hindi pa namin siya nakakausap." Basag ang boses ni Nathan! Eto na nga yung sinasabi ko! Ayokong naaapektuhan sila!


Pero parang may kumurot sa puso ko—ang sakit-sakit! Hindi ko pa rin maiwasang masaktan, nasa iba na ang atensyon niya, ni minsan ay hindi na niya ako nakikita. Nasa tunay na niyang anak ang buong atensyon niya!


At ang mas nasasaktan ako—dumaan ang pasko na hindi ko siya kasama, nabati, o nakita man lang!


"Lalabas lang ako, babalik din ako agad. Gusto kong magpahangin." Umalis si Ivie sa pagkakaupo sa tabi ko. Naramdaman kong may humaplos sa buhok ko at naamoy ko ang pabango ni Marky.


"Bibilhan ko na din siya ng pagkain at baka magising na siya. Galit pa man din to paggutom." Bahagyang tumawa si Marky at hinalikan ako sa pisngi.


Natawa rin si Ivie pero mahahalata mo pa ring malungkot sila.


Narinig kong sumara na yung pinto hudyat na umalis na silang dalawa. Naalarma lang ako bigla dahil narinig kong umiiyak ng mahina si Nathan!


No~


Dumilat ako at nakita ko siyang nakayuko habang umiiyak, napakagat ako sa labi ko at tuluyan ng tumulo yung luha ko.


Eto ang pinakaayaw ko! Nasasaktan sila, umiiyak sila dahil sa akin. Pinunasan ko yung luha ko at huminga ng malalim bago magsalita.


"So gay." Sambit ako at ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para ngumiti ng totoo.


Iniangat niya yung ulo niya at nagtatakang tumingin sa akin—tinaasan ko siya ng kilay habang nakangiti.


"Gabbi!" Nagtungo agad siya palapit sa akin at niyakap ako. "Anong so gay? Nag-aalala ako sayo! Gay pa ba yon?" niyakap niya ako ng mahigpit natawa ako habang niyayakap din siya pabalik.


"Please, hwag ka ng umiyak." Sabi ko at nawala ang ngiti sa labi. "Please, alam niyong ayokong may umiiyak sa inyo." Napakagat ako sa labi ko at isinubsob ang mukha sa leeg niya.


Here we go again—di ako makahinga.


From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon