Kabanata 16

335 12 0
                                    


Kanina pa ako nakatayo dito sa labas, kanina pa din nakaalis si Sean. Damn! Bakit ako nautal kanina? Sana ay nagalit ako, pero bakit hindi ko ginawa yon? Baka sabihin niyang nagustuhan ko ang ginawa niya?


Napahawak ako sa pinsgi ko, sa noo ko. Atleast hindi sa lips.


Ngumuso ako saka naglakad patungo sa bahay. Kumunot ang noo ko ng walang taong madatnan sa sala, dumeretsyo ako sa kwarto pero wala rin sila. Bumaba ako papunta sa kusina at doon ko silanng naabutang kumakain na.


"Kain na Gab." Tinuro ni Marky yung upuan na nasa tabi niya habang may hawak na hotdog.


"Kumain na rin ako ng gabihan kila Tita. Nasaan si mama?" Umupo pa rin ako saka kumuha ng hotdog.


Nagkibit-balikat sila. "Nung umuwi kami wala si Tita at hanggang ngayon wala pa rin." Tugon ni Nathan.


"Baka may pinuntahan lang siya?" Patanong na sabi ni Ivie.


"Tinext na nga namin pero di nagrereply." Saad ni Denzel.


Hindi siya nagsabi sa akin na may pupuntahan siya, tulad ng ginagawa niya. Nagpaalam ako sa kanila na mauuna na ako sa kwarto, kinuha ko agad yung phone ko sa bag at tinawagan si mama.


Naka-walong ring na ay doon niya pa lang ito sinagot. "Ma! Nasaan ka?" Yun ang bungad ko sa kanya.


Pinakinggan ko yung mga nagsasalita sa kabilang linya. Hindi ko maintindihan dahil siguro malayo siya don.


"Hmmm na kila tita mo Mini ako 'nak. Baka mamaya pa ako makakauwi."


"Ahh sige po. Ingat po-"


"Ma? Tara na po kakain na."


Nagsalubong ang kilay ko ng mamatay na yung tawag. Sino yung nagsalita? Si mama ba kausap niya? Ang lapit kasi ng boses. Pinilig ko yung ulo ko, baka yun yung anak ni Tita Mini.


Nagshower at nagpalit na rin ako ng pantulog. Nadatnan ko na rin yung apat na nakahiga na at handa ng matulog. Nagkwentuhan lang kami at nagsoundtrip hanggang sa tulog na silang lahat maliban sa akin.


Eleven Thirty na pero wala pa rin si mama. Yun ang dahilan kaya hindi ako makatulog. Tumingin ako sa screen ng cellphone ko, ni walang text. Umirap ako sa kawalan, tumayo ako saka nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.


Pabalik na sana ako sa kwarto ng marinig kong may sasakyan na huminto sa labas. Sumilip ako sa bintana at si Mama ang iniluwa ng sasakyan na yon.


Binuksan ko agad yung pinto at ngumiti. "Ma!" Sigaw ko at bakas sa mukha niya yung gulat.


Nagpaalam agad siya kung sino man yung nasa loob at nakita kong niyakap niya yon pagkatapos ay umalis na rin yung sasakyan.


From Beast Turns to Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon