"Uh." Napangiwi ako ng maramdamang nangangawit yung kanang braso ko.
Minulat ko ang mata ko na ramdam kong namumugto pa ito at iginala ang tingin. Matagal pa bago nagsink in sa isip ko na nandito pala ako kila Sean.
Ginalaw ko yung braso ko, may mabigat doong nakadagan kaya lumingon ako don. Namilog ang mata ko ng marealize kung ano yung mabigat na yun.
Si Sean! Anong ginagawa niya dito? Nakaupo siya sa sahig pero ang ulo niya ay nakaunan sa braso ko. Napatingin ako sa wallclock alas-dos pa lang ng umaga. Nakatulog siya sa tabi ko.
Tumitig ako sa kanya. Napakaamo ng mukha niya, tumagilid ako ng higa dahan-dahan para matitigan siya ng maayos. Namamanhid na yung braso ko pero ayokong istorbohin yung tulog niya. Inayos ko yung buhok niyang tumatakip na sa mata niya.
"Sean..." Bulong ko at huminga ng malalim. Hinaplos ko yung pisngi niya at yung ilong niya.
Dahan-dahan niyang iminulat yung mata niya pero hindi ako gumalaw at nakatitig lang sa kanya habang yung kamay ko ay nasa buhok na naman niya.
"Princess.." Namamaos ang kanyang boses.
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
"Bakit?" Papikit-pikit siya habang nakakunot ang noo.
"Bakit dyan ka natutulog?" Mahinang tanong ko at minasahe na yung braso kong kanina pa namamanhid.
"Sorry nakatulog ako. Sorry din sa pagdagan sa braso mo." Bahagya siyang ngumiti at napakamot sa batok.
"Ok lang. Sorry din sa istorbo." Sabi ko at umiwas ng tingin.
"Hindi ka naman istorbo e. Sige na matulog ka na ulit, pupunta na ako sa kabilang kwarto. Sweetdreams princess." tumayo na siya at yumuko para guluhin yung buhok ko. "Goodmornight. Beauty rest ka na may date pa tayo mamaya." ngumiti siya ng matamis at tumalikod na para umalis.
Kumaway pa siya bago tuluyang isara ang pinto. Ngumiti ako ng mapakla at nagtalukbong na ng kumot.
"Mag-iingat kayo mga anak. Ethan! Hwag mong papabayaan tong si Gabbi, pasayahin mo siya a? Mag-enjoy kayo sa date niyo!" Ngumiti si Tita ng matamis at hinalikan ako sa pisngi. "Hala sige, umalis na nga kayo." Pagtataboy niya sa amin.
"Tita!" Natatawa akong umiling ng tinulak niya talaga ako palapit sa sasakyan nila.
"Ma, ingat naman! Baka madapa yung date ko." Natatawang lumapit sa akin si Sean at inalalayan akong sumakay sa frontseat.
"Asus. Di naman lampa si Gabbi no."
"Sige na Ma. Eto na aalis na kami." Agad din siyang sumakay.
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
KurzgeschichtenBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...