"Today is the day." Humagikgik ako habang tinitignan yung sarili ko sa life size mirror namin. Pasukan na. Matapos ang isang linggo naming pagbabaksyon eto na yung pinakahihintay namin. Makikilala na nila ako kung sino talaga ako. Sa pagkikita-kita kasi namin noon sa ilog nila Sean ay hindi na naulit 'yon. Kaya eto na talaga.
"Pasok." Sigaw ko ng may kumatok sa pinto. Kinuha ko yung bag ako at handa ng umalis.
"Yung mga kaibigan mo--" Sumulyap ako kay mama.
"Bakit Ma?" Tumingin ulit ako sa salamin saka lumapit sa kanya.
"Umalis na sila! Iniwan ka na ang tagal mo daw kasi." Humagalpak siya ng tawa. Lagot! Nahawaan na siya ni Nathan sa pagiging baliw. Humalik na lang ako sa pisngi niya habang natatawa pa din siya at tumakbo na palabas.
Okay? Wala na nga sila. Mga excited! Maligaw sana sila, joke. Alam naman na nila yung school namin, namasyal na kami don nung nakaraan.
Seven Thirty palang naman. Lalakarin ko na lang. Kinseng minutong lakaran lang nandon na ako. Naglalakad lang ako habang nakikinig ng music. Ako lang mag-isang naglalakad dito sa daanan at kung hindi ka sanay nakakatakot talaga . Ang tahimik pa, layo-layo pa ang mga bahay.
May mga dumadaan din namang sasakyan pero mangilan-ngilan lang.
Nagulat ako ng biglang may bumusina sa likod ko. Pagtingin ko, isang Fortuner. Hindi na ako nagulat na may mga nagmamay-ari ng ganyang sasakyan. Ang ikinabigla ko ay bigla-bigla na lang siyang bubusina, nasa gilid naman ako.
Inirapan ko na lang yon kahit hindi ko makita yung nasa loob. Naglakad na lang ulit ako. Ngunit napahinto ako sa paglalakad at masamang tumingin sa may sasakyan na ngayon sumasabay na sa akin. Kumatok ako sa may bintana ng ilang ulit hanggang sa napapalakas na yung katok ko, gusto ko ng basagin to kasi naman! Hindi man lang ako pagbuksan! Hindi na lang niya ako isakay sa sasakyan niyang mamahalin at ihatid sa may School diba?
Napamura na lang ako ng bigla nalang niyang pinaharurot yung sasakyan niya. Pasalamat siya, tinted yang Fortuner niya at hindi ko siya nakita. Sa ilang minutong paglalakad, nandito na ako sa gate ng School namin. Nasa loob na kaya yung mga kaibigan ko? Sila Sean kaya?
Halos mapatalon ako sa gulat ng may bumusina ulit paglingon ko, eto din yung sasakyan kanina! Gumilid naman ako para makadaan siya. Agad-agad akong pumasok sa may gate para makita kung sino ba yang nagdr'drive niyan pero bigla na lang akong hinarang ng guard!
What the? Kelan pa nagkaroon ng guard dito? Hinanapan niya ako ng ID. Pinakita ko naman agad. Pagpasok ko ay naka-park na yung sasakyan at nakaalis na nga yung nagdr'drive nun. Lalaki siya! Matangkad, maporma kahit likod lang yung nakita ko. Nagkibit-balikat na lang ako saka naglakad na papunta sa room. Ngayon ko lang napansin, halos lahat pala sila ay nakatingin sa akin.
"Nagpintas isuna." Sabi nung lalaki sa mga kasama niya.
(Nagpintas isuna = Ang ganda niya)
"Bakit ang dami atang transferee ngayon?"
BINABASA MO ANG
From Beast Turns to Beauty (Under Revision)
Kısa HikayeBEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawa...